• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-04 20:19:07    
Ika-4 ng Marso

CRI

Ika-4 ng Marso

Sa pagtingin mo sa dalawang kuhang-larawan sa webpage na ito, ano ang naging reaksyon mo? Mukha ba siyang may-ari ng KFC?

Sa katotohanan, siya si Yiliduosi, mula sa Rehiyong Autonomo ng Lahing Uighur ng Xinjiang at isa sa mahigit 2000 kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) na kalahok sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng CPPCC.

Ang kanyang nakasuot na maliit na sumbrero ay katangian ng kaniyang nasyonalidad--"Tatar". Ang lahing Tatar ay isa sa mga pambansang minoriya ng Tsina na may wala pang 5 libong populasyon. Pero, mataas ang lebel ng kanilang tinatanggap na edukasyon. Si Yiliduosi ay isang kilalang manggagamot sa lokalidad at maging sa kanyang paglahok sa kasalukuyang sesyon ng CPPCC, maraming may-sakit mula sa apat na sulok ng Xinjiang ang tumatawag sa kanya para humingi ng konsultasyong medikal.