• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-04 20:58:19    
Isang bantog na Tsinong aktor ng Beijing Opera

CRI

Si Li Baochun ay isang bantog na Tsinong aktor ng Beijing Opera, isang tradisyonal na opera ng Tsina, ang kaniyang tatay na si Li Shaochun ay isang kilalang artista sa Beijing Opera at ang kaniyang pamilya ay isang pamilya ng mga aktor. Bata pa'y nag-aral siya sa Beijing Opera, kaya malalim at matibay ang pundasyon ng kaniyang palabas.

Bukod dito, buong sikap na binabago niya ang Beijing Opera. Sa ilang palabas nito na idinirekta at itinanghal niya, bilang pangunahing bida, siya ay nagpasigla sa Beijing Opera.

Ang karirinig ninyo ay palabas na "Qi Yuan Bao" ng Beijing Opera na inawit ni Li Baochun. Ang naturang palabas ay isang tradisyonal na palabas ng Beijing Opera at sa palabas na ito, si Li ay gumanap ng papel ng isang mangangalakal at kaluluwa nito.

Sa palabas na ito, iniayos muli ni Li ang orihinal na nilalaman nito, dinagdagan ang ilang sayaw na kinabibilangan ng palitan ng mga damit sa tanghalan para makaramdam ang mga manonood ng pagpapalitan ng kasalukuyang buhay at kabilang buhay at makaramdam din ng lagay-loob ng aktor na nagtatangkang ipahiwatig sa kanila. Nang mabanggit ang pagbabago ng naturang palabas, sinabi ni Li na,

"Ayaw naming ipahina ang kakanggata ng tradisyon, hindi bumago kami ng anumang salita ng mga pamilyar na aria ng mga manonood at buong sikap namin pinasagana ang ilang tagpo para sa mas mayaman at makulay ang nilalaman ng pabalas na ito."

Ang 50 taong gulang sa kasalukuyang taon na si Li Baochun ay taga-Hebei. Nagtapos noong 1969 siya sa paaralan ng operas sa Beijing. Bukod sa pagtututo sa kaniyang tatay, natuto pa siya ng pag-awit ng Beijing Opera sa mga kilalang master ng Beijing Opera na gaya nina Ma Lianliang, Wang Shaolou, Yan Jufen at iba pa. maliwanag at matunog ang kaniyang boses at mahusay siya sa kapwang akrobatiks at pag-awit.