• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-04 21:02:59    
Ang kuwento ni Gao Wenbin at kaniyang Flower-Drum Opera

CRI
Upang makatugon sa ganitong kahilingan, nanawagan ang lalawigang Hunan sa mga tropang pansining na magsadya sa kanayunan para magtanghal sa mga magsasakang lokal. Bilang isa sa mga operang lokal na pinakamalapit sa pamumuhay ng mga mamamayan, sinumulang unti-unting namunbalik ang kasiglahan ng tropa nina Gao Wenbin. Nang makita na muling tinanggap ang operang iniibig niya, napakasaya ni Gao sa kaibturan ng puso. Sinabi niya na

"Sa kasalukuyan, tinatanggap kami kahit saan kami pupunta, laging mainit na reaksyon sa aming palabas ng mga mamamayang lokal."

Inilahad ni Gao na upang mas mabuting makatugon sa kahilingan ng mga mamamayan, walang humpay na dinaragdagan ng kaniyang tropa ang bagong nilalaman ng mga palabas. Itinatanghal ng mga artista ang mga nangyayari sa palibot ng mga manonood. Ang mga ito ay malapit sa pamumuhay ng mga taganayon sa lokalidad at madali nilang naiintintihan at tinatanggap. Mainit ang pagtanggap nila sa kanilang palabas. Noong isang taon, itinanghal ng tropa niya ang mahigit 300 palabas at ang lahat nito ay pinakamainit na pinapalakpakan. Marami ang kanilang itinatanghal at sa gayo'y lumalaki nang lumalaki ang kita nina Gao taung-taon.

Dahil sa paglaki ng kita ni Gao, lubos na kinakatigan ng kaniyang pamilya ang kaniyang gawain sa tropa. Nang makita ang gayong init ng pagtanggap ng mga mamamayang lokal ng kanyang tropa, lubos na nagtigmak ang kanyang puso ng kaligayahan at karangalan.