|
Sa kasaluluyan, idinaraos dito sa Beijing ang unang sesyon ng Ika-11 NPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Ika-11 CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mamamayang Tsino. Ito ay nagsisilbi isang makabuluhang pangyayari sa pamumuhay na pulitikal ng mga mamamayang Tsino na may mahigpit na kinalaman sa pamumuhay ng bawat isa, kaya, ito ay lubos na pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayan. Bukod dito, ang tauang pulong ng NPC at CPPCC sa taong ito ay ang kauna-unahang pulong pagkaraan ng pagpapalit nito. Tatalakayin sa pulong ang mga bagong paksa, kaya, lubos na sinasubaybayan ito ng mga tao sa iba't ibang saray ng lipunan.
Si Zhang Suorong, isang 60 taong gulang na retiradong karde, tulad ng dati, pagkaraang buksan ang sesyon ng NPC, lubos na pinapansin niya ang mga nilalaman ng working report ng pamahalaan at seryuso siyang bumasa ng mga ito. Sinabi niyang ang working report ay nagsilbing paglagom sa mga gawain ng pamahalaan noong nagdaang taon at sinuri rin nito ang kalagayan sa pagtupad sa mga tungkuling itinakda sa pulong ng nakaraang NPC. Nitong ilang taong nakalipas, ikinasisiya ni Zhang
suorong ang patuloy na pagdaragdag ng pamahalaan ng pansiyon sa mga retiradong tauhan. Sinabi niyang ang asawa niya ay nag-retira mula bahay-kalakal, 400 Yuan, RMB lamang ang kanyang pensiyon noong panahon, pero, sa kasalukuyan, lumampas na ito sa isang libong Yuan, masayang masaya siya.
Sa sesyon ng NPC at CPPCC bawat taon, ang mga kinatawan ng NPC ay nagsasagawa, sa ngalan ng mga mamamayan, ng kani-kanilang kapangyarihan para sa pagpapasiya ng mga mahahalagang bagay na pang-estado; ang mga kagawad ng CPPCC nama'y nagbibigay ng ambag tungkol sa patakarang pang-estado at mga isyung lubusang pinapansin ng mga mamamayan; ipinapaalam ng mga mamamayang Tsino sa mga kinatawan ng NPC at kagawad ng CPPCC ang mga isyung kinakaharap nila sa trabaho at pamumuhay at ang mga mungkahi nilang may kinalaman sa kaunlaran ng estado at umaasa silang maisasakatuparan ang sariling hangarin sa pamamagitan ng gawain ng mga kinatawan at kagawad, kaya, ang mga mamamayang Tsino ay may kani-kanilang pagkabahala at pag-asa sa "dalawang sesyon".
Si Cui shiqi, 20 taong gulang na manggagawa sa isang bahay-kalakal na pinatatakbo ng mga pondong dayuhan. Kahit abalang abala siya araw-araw, sinusubaybayan din niya ang "dalawang pulong". Sinabi niyang lubos na pinapansin niya ang isyung may kinalaman sa pagsasaayos ng minimum of individual income tax at ang mga bagong hakbangin ng batas sa paggawa. Ipinalalagay niyang ang pagsasagawa ng batas sa paggawa ay nagsisilbing magandang bagay, dahil, maigarantiya nang mabuti ang karapatan at interes ng mga manggagawa.
Si Fu lei, isang civil servant ng pamahalaan, bisi-bisi siya sa trabaho at pagkatapos nito, nag-aasikaro sa kanyang anak. Lubusang pinapansin niya ang mga isyung may kinalaman sa kabataan na gaya ng segurong medikal, sistemang pang-edukasyon at iba pa.
Sinabi naman ni Wei Guoqiang, tsuper ng taksi na siyang nagbibigay-pansin sa mga isyung may kinalaman sa labour insurance na gaya ng pagpapataas ng kita, araw na pahinga at iba pa. Umaasa siyang magkakaloob ang "dalawang sesyon" ng mas maraming kaginhawaan sa mga mamamayan.
|