• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-07 20:21:02    
Dayong magsasaka bilang kinatawan ng NPC, mahalagang pangyayari sa demokrasiya ng Tsina

CRI

Si Gng. Hu Xiaoyan ay isang 34 na taong gulang na magsasaka mula sa Lalawigang Si Chuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina. 10 taon na ang nakakaraan, lumisan siya ng lupang-tinubuan at nagsimulang maghanap-buhay sa Lalawigang Guangdong, isa sa mga pinakasulong na rehiyon ng bansa. Ang kanyang kasalukuyang pagkakakilanlan naman ay miyembro ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina. Kalahok siya, kasama ang 2 iba pang migrant worker o dayong manggagawa, tawag sa mga magsasakang Tsino na nagtatrabaho sa mga lunsod, sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng NPC. Masasabing ang paglahok ng mga dayong magsasaka sa mga pambansang suliranin bilang kinatawan ng punong lehislatura ng Tsina ay isang mahalagang pangyayari sa demokrasiya ng bansa.

Sapul nang isagawa ng bansa ang reporma't pagbubukas sa labas noong 1978, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, parami nang paraming magsasakang Tsino ang lumisan ng kanilang lupang-tinubuan at nagtatrabaho sa lunsod. Tinatawag silang dayong manggagawa at bumubuo ng bagong sektor ng Tsina. Sa kasalukuyan, may mahigit 130 milyong ganitong manggagawa sa Tsina at naghahanap-buhay sila, pangunahin na, sa industriya ng konstruksyon, sektor ng manupaktura, paghahatid ng kargo at iba pa.

Dahil sa kanilang hindi maaaring mawalang ibinibigay na ambag sa pambansang kaunlaran, ang kanilang interes na may kinalaman sa serbisyong medikal, pabahay, social security at edukasyon ng kanilang anak ay pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino, NPC at iba't ibang saray ng lipunan.

Ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit, sa kauna-unahang pagkakataon, 3 dayong manggagawa ang nahalal bilang kinatawan ng NPC. Bilang miyembro ng punong lehislatura ng Tsina, direktang nakikilahok sila sa pagbalangkas ng mga pambansang patakaran at batas at makakatulong ito sa pangangalaga at pagpapasulong ng kapakinabangan ng mga migrant worker. Ipinakikita rin nito ang pagiging demokratiko ng sistema ng NPC. Bukod dito, kumpara sa ika-10 NPC, sa kasalukuyang NPC, tumaas ng mahigit 70% ang bilang ng mga magsasakang kinatawan at doble ang bilang ng mga kinatawang manggagawa.

Sa katunayan, sa mula't mula pa, walang-humpay na sumusulong na ang demokrasiya ng Tsina at magpapatuloy pa ito. Halimbawa, mahigit 10 taon na ang nakakalipas, dahil sa mabilis na pag-unlad ng pribadong kabuhayan, may mga pribadong mangangalakal na nahalal bilang kinatawan ng NPC. Noong taong 2002, sa ika-16 pambansang pulong ng Partidong Komunista ng Tsina o CPC, naghaharing partido ng bansa, maraming pribadong mangangalakal ang nahalal bilang kinatawan at lumahok sa pulong. Noong taong 2007 naman, sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga di-CPC tauhan ang nanunungkulan bilang Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya at Ministro ng Kalusugan ng Tsina.

Batay sa mga simulain ng pagpapalaya ng isip, pananangan sa reporma't pagbubukas sa labas, pagpapasulong ng siyentipikong pag-unlad at pagpapasulong ng harmonya ng lipunan, higit pang susulong ang sosyalistang demokrasiya ng Tsina. Ipinalalagay ng mga daluhasa na sa hinaharap, mamamayagpag ang demokrasiya ng Tsina sa pagpapauna ng reporma sa pangangasiwa ng pamahalaan, pagpapahusay ng market economy, pagpapasulong ng koordinadong pag-unlad ng lipunan at pagbibigay-dagok sa katiwalian. Walang-dudang sa kasalukuyang panahon na walang-humpay na lumalago ang pambansang kabuhayan ng Tsina, ibayo pang susulong ang demokrasiya sa iba't ibang antas at iba't ibang sektor na gaya ng NPC, CPPCC o Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPC at kababa-babaang sektor.