|
Ika-7 ng Marso
Kagawad ng CPPCC na si Pari Lei Shiyin

Sa panahon ng pagganap ng taunang pulong ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, siyempre abalang-abala ang mga kalahok na kagawad. Pagkaraan ng sesyong plenaryo, nahahati sila sa iba't ibang grupo at nagtatalakayan at nagpapalagayan hinggil sa work report ng Pamahalaan at iba pa. Kaya, hindi madaling kapanayamin sila.

Ang kagawad sa litrato ay si Pari Lei Shiyin ng Katolisismo. Nakatagpo ko siya habang nagtatanghalian siya at tuwang-tuwa siyang tumanggap ng aking interbyu. Sinabi niya sa akin na alas-6:30 ng umaga, nagmimisa siya, kasama ang iba pang mga kagawad na Katoliko, sa isang bahay ng kanilang tinatuluyang otel. Ang isa pang kuhang-larawan ay may kinalaman dito.
|