|
Sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina na idinaraos sa Beijing, binasa kahapon ng hapon ni Wu Bangguo, tagapangulo ng pirmihang lupon ng NPC, ang ulat hinggil sa gawain ng pirmihang lupon ng ika-10 NPC na matatapos ang termino. Ayon sa ulat, sa kapwa aspeko ng lehislasyon at superbisyon, iginigiit ng NPC, pinakamataas na organo ng kapangyarihang pang-estado ng Tsina, ang ideya sa demokrasiya at target sa pagdudulot ng pakinabang sa mga mamamayan. Sa usap-usapan ng Tsina sa gabing ito, ihahatid ko sa inyo ang mga detalye hinggil sa ulat na ito.
Ang lehislasyon ay isang mahalagang tungkulin ng NPC. Noong limang taong nakaraan, nang buuin ang pirmihang lupon ng ika-10 NPC, itinakda nito ang pagbuo sa kabuuan ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino at pagpapataas ng kalidad ng lehislasyon bilang target at priyoridad ng gawain.
Ipinahayag ni Wu Bangguo na isinakatuparan ng NPC ang itinakda nitong target. Anya,
"Gawing nukleo ang Konstitusyon, pangunahing bahagi ang mga batas at karagdagan ang mga regulasyong administratibo at lokal, nabuo na sa kabuuan ang sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino batay sa balangkas ng pitong departamentong pambatas at mga batas at regulasyon sa tatlong antas. Ang lehislasyon ay sumasaklaw sa kabuuan sa iba't ibang aspekto na kinabibilangan ng kabuhayan, pulitika, kultura, buhay-lipunan at iba pa at nagkaloob ng malakas na garantiyang pambatas para sa pamamahala sa bansa alinsunod sa batas, pagtatatag ng sosyalistang bansa sa ilalim ng pangangasiwa alinsunod sa batas at pagsasakatuparan ng pangmatagalang katatagan ng bansa."
Sa termino ng pirmihang lupon ng ika-10 NPC, walang humpay na napalakas at napalalim ang tungkulin nito sa superbisyon. Kaugnay nito, isinalaysay ni Wu na,
"Nitong limang taong nakalipas, pinakinggan at sinuri ng pirmihang lupon ng NPC ang 41 na ulat hinggil sa gawain ng Konseho ng Estado, Kataas-taasang Hukumang Bayan at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan at ang 15 ulat hinggil sa kalagayan ng pagpapatupad ng mga kapasiyahan, pag-oodit at plano. Isinagawa ang 25 pagsisiyasat sa kalagayan ng pagpapatupad ng 22 batas."
Noong Agosto ng taong 2006, pagkaraan ng 20 taong lehislasyon, binalangkas ang Batas sa Superbisyon. Ito ay palatandaang pumasok sa sistemang pambatas ang gawain ng superbisyon ng NPC at progreso rin ng buong sistemang pambatas ng Tsina.
Tumatagal nang mahigit kalahating siglo ang sistema ng pambansang kongreso ng Tsina at pinatutunayan ng praktika na ang pagpili nito ng Tsina bilang landas ng pagpapaunlad ng sistemang pangkapayarihan ay angkop sa kalagayan ng bansa. Nang mabanggit ang nakaraan at kinabukasan, binigyang-diin ni Wu ang pundamental na kapakanan ng pinakamalawak na mamamayan. Sinabi niyang,
"Ang sistema ng pambansang kongreso ay pundamental na tsanel at pinakamataas na porma ng pagsasakatuparan ng pagiging panginoon ng bansa ng lahat ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad. Dapat igiit namin ang pagpapauna ng mga mamamayan, gawing pundasyon ng lahat ng mga gawain ng NPC ang pundamental na kapakanan ng pinakamalawak na mamamayan, igarantiya ang iba't ibang karapatan ng mga mamamayan, palawakin ang maayos na paglahok ng mga mamamayan sa suliraning pulitikal, superbisahin ang iba't ibang panig na lutasin ang mga isyung may kinalaman sa kapakanan ng mga mamamayan, buong sikap na igarantiya at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan at pasulungin ang mabuting pagsasakatuparan, pangangalaga at pagpapaunlad ng pundamental na kapakanan ng pinakamalawak na mamamayan."
|