|

Kagabi, pumunta ako sa Beijing Friendship Hotel kung saan pinaninirahan ng mga kagawad ng CPPCC sa sirkulo ng pambansang minoryan at relihiyon para mag-ulat ng isang pulong hinggil sa kalayaan ng iba't ibang relihiyon ng Tsina. Nang matapos ang pulong, natuklasan kong may magandang pulang rosa sa kamay ng ilang babaeng kagawad dito.

Sa katotohanan, ang rosa ay ipinagkaloob ng otel bilang regalo sa "Pndaigdigang Aaw ng Kababaihan". Hindi lamang mga babaeng kagawad, kundi rin bawat trabahador sa otel ang nagtamo ng rosa.

Ang mga kuhang-larawan sa webpage ay nagpapakita ng magandang ngiti ng iba't ibang babae nang magtamo ng pulang rosa.

|