• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-11 18:06:27    
Idinaraos na NPC at CPPCC sessions, nakapokus sa pagtitipid sa enerhiya at pagkontrol sa polusyon

CRI

"Labis na mahigpit ang kalagayan ng Tsina pagdating sa suplay ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran. "

Ito ay sinabi ni G. Chen Jiansheng, kalahok na kinatawan ng idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Sa katunayan, ang katulad na palagay ay madalas na naririnig sa taunang sesyon ng NPC nitong ilang taong nakalipas at walang eksepsyon ngayong taon.

Bilang isang dalubhasa sa batas sa kapaligiran, buong-higpit na sinusubaybayan ni G. Wang Xi, kalahok na kagawad ng kasalukuyang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, ang proseso ng Tsina na may kinalaman sa pagtitipid sa likas na yaman at pagbabawas ng polusyon. Sinabi niya na:

"Masasabing aktibo ang buong Tsina sa pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas ng polusyon. Noong taong 2007, sa kauna-unahang pagkakataon, kapuwa bumaba ang konsumo ng enerhiya ng per capita GDP at ang pagbubuga ng mga pangunahing pollutant. Ipinakikita nitong nakapagtamo na ng bunga ang Tsina pagdating sa pagtitipid sa likas na yaman."

Napag-alamang upang mapasulong ang pagtitipid sa enerhiya, maraming isinasagawang hakbangin ang Pamahalaang Tsino na tulad ng pagtatakda ng pakay ng pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas ng polusyon, at pagsusuperbisa at pagtatasa sa pagtupad sa nasabing pakay ng mga pamahalaang lokal at mga bahay-kalakal. Kasabay nito, sinarhan ng Pamahalaang Tsino ang mga bahay-kalakal na malakas ang konsumo sa pinagkukunang-yaman o malakas ang polusyon. Bukod dito, nagpairal din ang Tsina ng mga paborableng hakbanging nakakatulong sa pagtitipid sa enerhiya. Sinimulang pairalin din ang Batas sa Pagtitipid sa Likas na Yaman.

Ipinauuna rin ng mga pamahalaang lokal ang pagtitipid sa enerhiya at pagkontrol sa polusyon. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni Xu Shousheng, kalahok na kinatawan ng NPC at Gobernador ng Lalawigang Gansu.

"Sa aming lalawigan, pinasarhan namin ang mga bahay-kalakal na malakas ang polusyon at konsumo sa enehiya at gayundin ang mga di-kwalipikado o astrasadong bahay-kalakal."

Aktibo rin ang mga karaniwang mamamayan sa pagtitipid ng enerhiya. Si Gng. Zhao Yingchun ay isa mga ito. Nakakaugalian niya ang pagtitipid ng tubig at koryente sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa kabila ng mga natamong bunga, hindi maipagkakaila ang mga problemang may kinalaman sa pagtitipid sa enerhiya. Kaugnay ng mga katugong hakbangin, ganito ang sinabi ni Xie Zhenhua, Pangalawang Puno ng National Development and Reform Commission ng Tsina.

"Kritikal ang kasalukuyuang taon pagdating sa pagsasakatuparan ng mga pakay ng pagtitipid sa enerhiya at pagkontrol sa polusyon. Kaya, pag-iibayohin namin ang makro-kontrol dito."

Sa work report ng Pamahalaang Tsino sa seremonya ng pagbubukas ng kasalukuyang sesyon ng NPC, binigyang-diin ni Premyer Wen Jiabao ang kahalagahan ng pagtitipid sa likas na yaman at iniharap din niya ang 10 may kinalamang kalutasan. Sinabi niya na:

"Dapat kaming magpakilos sa sambayanan para maitatag ang lipunang nagtatampok sa pagtitipid sa enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran. Ito ay isang pangmalayuang usapin sa hene-henerasyon."