• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-12 16:13:16    
Kalye ng Serbesa sa Qingdao

CRI

Ang magandang lunsod na Qingdao, sa lalawigang Shandong sa silangang baybaying-dagat ng Tsina, ay isang kilala-kilalang tourist spot ng Tsina, ipinoprodyus dito ang isa sa mga pinakamagaling beer sa Tsina-Qingdao beer. At kung mababanggit ang Qingdao beer, dapat mabanggit ang beer street. Isasalaysay ko sa inyo ang nasabing street na may mahigit 1 daang taon na kasaysayan.

Ang mahigit 700 metrong beer street ay nasa Dengzhou Road, Shibei district ng Qingdao. Noong taong 1897, sinakop ng Alemanya ang Qingdao at itinatag ang baraks roon. Dahil gustong-gusto ng mga Aleman ang beer at nahanap nila ang isang batis na may de-kalidad na tubig, maganda ang lasa ng beer na ginawa na gamit ang tubig na ito.

Noong taong 1903, naitatag dito ang kauna-unahang beer factory sa pamamagitan ng teknolohiyang Europeo. Mula roon, mahigit na iniugnay ang dengzhou road at beer.

Mahigit isang daang taon na ang nakararaan, ang street na ito ay nagsisilbing kilala-kilalang beer street ng Qingdao. Isinalaysay ni G. Chang Jun, namamahalaang tauhan ng sentro ng pamamahala sa beer street na sa kasalukuyan, nagkaroon ang beer street ng 65 bar at hotel, umabot sa ilampung libong persontime ang mga bisita tuwing araw.

"Bawat araw, mula sa Qingdao Beer Factory, ang mga pinakasariwang beer ay inihahatid sa iba't ibang hotel, at mayaman ang Qingdao sa iba't ibang seafood, sariwang beer, masarap na seafood, ang street na ito ay naging isang lugar para sa pagtitipon at pagpapahinga ng mga sibilyan ng Qingdao. Samantala, ito ay isang magandang mapupuntahan para sa mga turista mula sa loob at labas ng bansa."

Para mapanatili ang dating ayos ng matandang street, nitong ilang taong nakalipas, isinagawa ng Qingdao ang pangkalahatang pagkukumpuni at pagsasaayos sa beer street.