• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-12 17:35:17    
Tsina, sisimulan na ang isa pang pagrereestruktura ng Konseho ng Estado

CRI

Isinumite kahapon ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina, ang plano ng pagrereestruktura nito sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, punong lehislatura para suriin at pagtibayin.

Kaugnay ng layunin ng isasagawang pagbalasa, ganito ang salaysay ni G. Hua Jianmin, Kagawad ng Estado at Pangkalahatang Kalihim ng Konseho ng Estado.

"Magsasagawa kami ng reorganisasyon batay sa pagbabago ng functions ng pamahalaan at pagsasaayos ng tungkulin ng iba't ibang ministri at komisyon sa ilalim ng Konseho ng Estado."

Batay sa plano, bubuo ang Konseho ng Estado ng limang bagong ministri na kinabibilangan ng Ministri ng Industriya at Impormasyon, Ministri ng Human Resources at Social Security, Ministri ng Transport, Ministri ng Pangangalaga sa Kapaligiran at Ministri ng Pabahay at Pagtatatag ng mga Lunsod at Kanayunan. Kasabay nito, itatatag din ang Pambansang Komisyon sa Enerhiya na mamamahala sa konsultasyon at koordinasyon sa pagitan ng iba't ibang may kinalamang ministri. Bubuuin din ang Pambansang Kawanihan ng Enerhiya sa ilalim ng National Development and Reform Commission. Pangangasiwaan ng Ministri ng Kalusugan ang State Food and Drug Administration para mapatingkad ang papel ng Ministri ng Kalusugan sa paggagarantiya ng kaligtasan ng mga pagkain at gamot. Pagkaraan ng gagawing reporma, magkakaroon ng 27 sangay ang Konseho ng Estado.

Tungkol sa isasagawang ika-anim na reporma ng Pamahalaang Tsino sapul noong taong 1982, ganito ang koment ni Wang Yukai, Propesor mula sa China National School of Administration.

"Makakatulong ito sa pagpapataas ng episyensiya ng pamahalaan at pagpapatingkad ng papel ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga serbisyong pampubliko."

Batay sa plano, ganito ang inilahad ni G. Hua ang tungkulin ng National Development and Reform Commission.

"Sa ilalim ng reporma, magkokonsentra ang komisyong ito sa makro-kontrol na tulad ng pagpapasulong ng koordinadong pambansang pag-unlad, paglutas sa mahahalagang isyu sa operasyon ng kabuhayan at pagpapalakas ng pagtaya at pagbababala."

Ang pagbubuo naman ng pambansang komisyon at kawanihang may kinalaman sa enerhiya ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Pamahalaang Tsino sa energy security bilang isang pambansang estratehiya.

Ang pagbubuo ng Minisitri ng Pangangalaga sa Kapaligiran na kapalit sa Administrasyon ng Pangangalaga sa Kapaligiran ay nagpapakita ng resolusyon ng Pamahalaang Tsino na ibayo pang kontrolin ang polusyon at pangalagaan ang kapaligiran. Sa pagbuo ng bagong Ministri ng Pabahay at Pagtatatag ng mga Lunsod at Kanayunan, nagpapahiwatig ng pagpapahalaga ng Pamahalaang Tsino sa mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Saludung-saludo naman ang mga kalahok na kinatawan ng NPC sa nasabing plano. Sinabi ni Gng. Wang Junlian mula sa Lalawigang Liaoning na:

"Sa tingin ko, ang plano ay angkop sa sosyalistang market economy ng Tsina at matutupad ito. Batay rito, mapapataas ang episyensiya ng pamahalaan at magkokonsentra ang pamahalaan sa pagpapahusay ng mga serbisyong pampubliko."