|
Sa isang preskon na idinaos kaninang umaga ng taunang sesyon ng NPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, sinagot ni ministrong panlabas Yang jiechi ng Tsina ang mga tanong ng mga mamamahayag.
Kaugnay ng isyung may kinalaman sa relasyon ng Tsina sa mga malalaking bansa sa daigdig, sinabi ni Yang jiechi na nananatiling matatag sa kabuuan ang relasyong Sino-Amerikano at patuloy na umuunlad. Umaasa aniya ang dalawang bansa na patuloy na mapapasulong ang kanilang konstruktibong relasyong pangkooperasyon. Aniya, mainam ang relasyong Sino-Ruso. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagpapasulong ng bilateral na relasyon batay sa "tratado sa mapagkaibigang kooperasyon at mainam na pagkakapitbansa ng Tsina at Rusya". Noong taong 1975 sapul nang naitatag ang opisyal na relasyon ng Tsina at European Economic Community, nananatiling matatag ang kaunlaran ng relasyon nito at nagkompiyensa ang dalawang panig sa prospekt. Samantala, positibo rin si Yang sa relasyon ng Tsina at mga kapitbansa nitong kinabibilangan ng Timog Korea, Hilagang Korea, Hapon at iba pa.
Kaugnay ng progresong natamo ng Tsina sa larangang diplomatiko, sinabi ni Yang na nitong 30 taong nakalipas, ang natamong porgreso ng Tsina sa diplomasiya ay may direktang kinalaman sa pragmatikong patakarang panlabas nito. Una, ang kaunlarang pangkapayapaan. Ipinalalagay ng Tsina na dapat tumahak ng landas ng kaunlarang pangkapayapaan ang lahat ng mga bansa sa daigdig, mga maunlad man o mga umuunlad at dapat nitong malutas ang mga isyu sa pamamagitan ng mapayapang paraan para maisakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan at magkakasamang pag-unlad. Ikalawa, ang pagpapahigpit ng pagpapalitan; Ikatlo, ang win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan. Dapat maisakatuparan ito hindi lamang sa kabuhayan at kalakalan, kundi rin sa pulitika, seguridad, kultura, edukasyon at iba pang larangan. Ikaapat, ang maharmonyang kooperasyon. Ipinalalagay ng Tsina na ang pagpapasulong ng pagtatatag ng maharmonyang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan ay nagsisilbing target ng buong sangkatauhan.
Sinagot din ni Yang ang mga tanong ng mga mamamahayag tungkol sa mga isyung may kinalaman sa Olimpiyada ng Beijing at pagbabago ng klima sa buong mundo at iba pa.
Ipinalalagay ni Yang jiechi na kakaharapin ng diplomsiya ng Tsina ang kapuwa pagkakataon at hamon sa susunod na 5 taon, pero, mas malaki ang pagkakataon kaysa sa hamon. Sinabi niyang magbibigay ang Tsina ng ambag, kasama ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig, para sa pagtatatag ng mas magandang hinaharap ng daigdig.
|