• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-13 15:58:28    
Ang lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina, isang mahalagang plataporma ng CPPCC sa pagpapalagayang panlabas

CRI

Idinaraos ngayon dito sa Beijing ang taunang sesyon ng NPC, Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga mamamayang Tsino. Sa ilang libong kalahok na kinatawan ng NPC at kagawad ng CPPCC, ang mga personahe na galing sa 5 pangunahing relihiyon ng Tsina ay naging tampok sa pulong. Ang lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina na binubuo ng Buddism, Taoism, Islam, Catholicism at Christianism ay nagsisilbing mahalagang plataporma ng CPPCC sa pagpapalagayang panlabas.

Ang lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina ay itinatag noong 1994 na naglalayong pahigpitin ang pakikisangkot ng mga organisasyong panrelihiyon ng Tsina at mga tagasunod nito sa mga usaping pangkapayapaan ng daigdig; pasulungin ang mapagkaibigang pagpapalitan nila ng mga organisasyong panrelihiyon at pangkapayapaan sa daigdig para sa magkakasamang pagpapasulong at pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.

Bawat taon, nagdaraos ang lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina ng mapayapang pagsasamba para itaguyod ang pagpapalaganap ng doktrina ng kapayapaan ng iba't ibang organisasyong panrelihiyon; nakikilahok din ito sa pandaigdig na pulong sa pangangalaga sa kapayapaan sa daigdig para iparinig ang tinig ng sektor na panrelihiyon ng Tsina sa pagtutol sa digmaan at pagmamahal sa kapayapaan. Ipinahayag ni Sheng Hui, pirmihang pangalawang tagapangulo ng lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina na bilang kasapi ng CPPCC--organisasyon ng patriotic united front ng sambayanang Tsino, ang mga gawain ng kanyang lupon ay nagsisilbing tampok ng inobasyon sa trabaho ng CPPCC. Sinabi niyang ang gawain ng lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina ay nagtamo ng bagong progreso batay sa prinsipyo ng pagkakaibigan, kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon at ito ay nagsisilbing makabuluhang plataporma ng CPPCC sa pagpapalagayang panlabas.

Samantala, bilang tanging organisasyong panrelihiyon ng Tsina na nakilahok sa aktibidad ng organisasyong panrelihiyon sa daigdig, pinalawak ng lupong pangkapayapaan ng sektor na panrelihiyon ng Tsina ang espasyo ng aktibidad ng sektor na panrelihiyon ng Tsina sa daigdig at ibayo pang tiniyak ang katayuan nito sa sektor na panrelihiyon sa Asia at daigdig.

Tuwing taunang sesyon ng CPPCC, tinalakay ng mga kagawad na galing sa sirkulong panrelihiyon ang tameng may kinalaman sa kapayapaang pandaigdig at nilagum din ang pagpapalitang pangkapayapaan nila ng sektor na panrelihiyon ng iba't ibang bansa. Kaugnay dito, lubos na hinahangaan ito ni Zheng Wantong, pangkalahatang kalihim ng Unang sesyon ng Ika-11 CPPCC. Sinabi niyang ang sektor na panrelihiyon ng Tsina ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng CPPCC. At mapayapang nakikipamuhayan at nagtutulungan ang mga personahe ng 5 pangunahing relihiyon sa sistema ng konsultasyong pulitikal, magkasamang silang nagsasagawa ng tungkulin sa pagsasanguniang pampulitika, superbisyong demokratiko at suliraning pang-estado batay sa tema ng pagkakaisa at demokrasiya at nagbibigay sila ng espesyal na ambag sa pagsasakatuparan ng pambansang pagkakaisa,kaunlarang pangkabuhayan, pagtatag ng may harmonyang lipunan at reunipikasyon ng inang bayan. Ito ay hindi lamang ang bantahe ng CPPCC, kundi rin ang katangian ng sibilisasyong pulitikal ng Tsina.