Sa beer street, may isang lugar na karapat-dapat na bisitahin, alalong bagay'y museo ng beer. Noong taong 2003, para ipagdiwang ang isang daang anibersaryo ng Qingdao beer. binago ng Qingdao Beer Company ang sang daang matandang pagawaan na naging isang museo. Ito ang kauna-unahang museo ng beer sa Tsina. May isang slogan ang museo na nagsasabing "Bigyan ako ng isang oras, bibigyan kayo ng isang daang taon" . Hinggil dito, sinabi ni Dong Fang, direktor ng museo na:
"Kailangan ang isang oras para bumisita sa buong museo, malalaman niyo sa isang oras ang isang daang taong kasaysayan ng pag-unlad ng Qingdao beer mula sa pagkakatatag ng bahay-kalakal hanggang sa kasalukuyang kahanga-hangang kalagayan."
Nahahati sa tatlong bahagi ang museo: bahagi ng kasaysayan at kultura, bahagi ng kasanayan ng produksyon at bahaging multipuksyonal. Sa pamamagitan ng maraming larawan at datos, malalaman ng mga tursita ang mahiwagang pinag-uugatan ng beer at pangmalayuang kasaysayan ng Qingdao beer. Sa bahagi ng kasanayan ng produksyon, makikita mo ang ilang matandang gusali, matandang instalasyon at lagay ng produksyon. Sa multifunctional part, matitikman mo ang iba't ibang lasang Qingdao beer.
Bukod dito, ang museong ito ay naghanda pa ng iba't ibang programang panlibangan, halimbawa, inilaan nito ang isang maliit na silid para malaman na personal ng mga tao ang karanasan bilang isang lasengo. Sinabi ni G Li Wei, isang turista na:
"Talagang mahiwagan, nakaranas ng pagiging-lasing kahit hindi uminom kayo ng alak, kawili-wili."
Sinabi ni direktor Dong Fang ng museo na sa pagbisita sa museo, dapat tumikim ng pinakasariwang Qingdao beer na kalalabas lamang mula sa assemble line. Sa maliit na bar sa museo, habang umiinom ng beer at kumakain ng mga mani, baka magkakaroon kayo ng mas malalimang pagkaunawa sa nilalamang kultural ng Qingdao beer.
|