• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-13 19:03:42    
Kabuhayang Tsino, sa mata ng mga kagawad ng CPPCC

CRI
Si Feng Dongming, isang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC na lumalahok sa taunang pulong ng CPPCC dito sa Beijing, ay pangulo ng isang kilalang bahay-kalakal na Tsino na nagluluwas ng muwebles. Sa taunang pulong, nagbigay si Feng ng pinakamalaking pansin sa tunguhin ng patakaran ng Tsina sa kalakalang panlabas sa hinaharap dahil kinakaharap ng kanyang bahay-kalakal ang walang katulad na krisis.

"Mabilis ang pagdaragdag ng gastusin namin sa labor service, pagtaas ng presyo ng hilaw na materyal, walang humpay na pagtaas ng halaga ng RMB, kinakaharap ang mga ito ng mga nagluluwas sa bahay-kalakal. Dalawa ang kinalabasan ng mga bahay-kalakal, pag-a-up-grade ng industriya o pagkabangkorote."

Bilang isang bahay-kalakal na nagsasagawa ng kalakalang panlabas, kinakaharap ng bahay-kalakal ni Feng hindi lamang ang naturang mga problema na katulad ng iba pang bahay-kalakal na Tsino, kundi dapat nitong kaharapin ang maraming di-matatag na elemento at makatagong panganib na dulot ng pagbabago ng pandaigdigang kapaligirang pangkabuhayan.

Hinggil dito, ipinalalagay ni Ma Xiuhong, kagawad ng CPPCC at pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina na ang naturang penonina ay nagpapakitang ang ilang Tsinong bahay-kalakal ng pagluluwas ay nakakaranas ng mapait na panahon ng pag-a-up-grade ng industriya.

Nitong ilang taong nakalipas, nagsisikap ang ministri ng komersyo ng Tsina para pabutihin ang esturktura ng mga iniluluwas na paninda ng Tsina. Para rito, noong isang taon, pinataas nang malaki ng Tsina ang taripa sa ilang paninda na malakas ang komsumo ng enerhiya at malakas ang polusyon, at kinansela ang pagbawi ng buwis sa ilang libong paninda. Dahil sa naturang mga hakbangin, lalo pang bumaba ang tubo ng mga labor-intensive industries at dahil dito, nakaranas si Feng sa malaking presyur.

Ngunit, ipinalalagay ni Li Wuwei, kagawas ng CPPCC, na na alang-alang sa interes ng mga mamamayan, sa hinaharap, dapat igiit ng Tsina ang kasalukuyang direksyon ng pagsasaayos at pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kalakalang panlabas.