"Ngayon, nagpapatalastas akong ipinid ang unang sesyong plenaryo ng ika-11 Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino."
Si Jia Qinglin, muling nahalal na tagapangulo ng CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, punong organong tagapayo ng Tsina, ay nagpahayag ngayong araw ng pagtatapos ng taunang sesyon ng CPPCC. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Jia ang kanyang kahilingan at hangarin pagdating sa gawain ng CPPCC sa hinaharap. Sinabi niya na:
"Sa pagtupad ng tungkulin, dapat naming ipauna ang pagpapasulong ng pambansang kaunlaran, dapat naming palalimin ang pag-aaral at pagpapatupad ng siyentipikong pananaw sa pag-unlad, dapat naming iharap ang mga proposal na may kinalaman sa mga estratehiko, panlahat at perspektibong isyu batay sa masusing pagsusuri at pananaliksik."
Napag-alamang ang pangunahing tungkulin ng mga miyembro ng CPPCC ay makipagtalakayan at magmungkahi hinggil sa mga pambansang isyu. Sa katatapos na taunang sesyon, mahigit 4700 proposal ang naisumite ng mga kalahok na kagawad. Sinabi ni Gng. Zhang Yi, opisyal na namamahala sa paghawak ng mga proposal, na ang mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ay nagsisilbi pa ring pangunahing paksa ng mga proposal. Sinabi pa niya na:
"Nanggagaling sa iba't ibang sirkulo, iba't ibang grupong etniko, iba't ibang lugar ang mga kagawad ng CPPCC at bilang kinatawan ng mga karaniwang mamamayan, ang kanilang proposal ay may mahigpit na kaugnayan sa kanilang naranasan at hangarin ng madla. Halimbawa, nakatuon ang kanilang proposal sa mga isyung may kinalaman sa agrikultura, magsasaka, kanayunan, residence community, presyo, pabahay at iba pa."
Napag-alamang ang lahat ng mga proposal ay idadala sa mga kinauukulang panig o kagawaran para hawakan.
Ang mga kagawad ng CPPCC naman ay babalik sa kanilang trabaho at sa susunod na taon, muling magtitipun-tipon sila nang may dalang bagong proposal.
Sinabi ni Wang Mingming, isa sa mga kagawad ng CPPCC, na sa kasalukuyang taon, higit pang mahusay siyang tutupad ng tungkulin ng pakikilahok at pakikipagtalakayan sa mga suliranin ng bansa. Sinabi pa niya na:
"Sa tingin ko, bilang kagawad ng CPPCC, isinasabalikat namin ang responsibilidad na panlipunan at pagkakatiwala ng madla, kaya, dapat naming palalimin ang pagsusuri at pananaliksik sa pamamagitan ng pakikisalamula sa madla para ihayag ang hangarin ng mga karaniwang mamamayan."
Sinabi Li Junru, dalubhasa mula sa Party School of CPC Central Committee, na titingkad pa ang papel ng CPPCC sa pag-unlad ng demokratikong pulitika ng Tsina. Sinabi pa niya na:
"Sa proseso ng pag-unlad ng sosyalistang demokratikong pulitika ng Tsina, naitatag namin ang sistema ng kongresong bayan, organo ng lehislasyon at sistema ng CPPCC, organong tagapayo. Ang mga miyembro ng CPPCC ay mga kinatawan mula sa iba't ibang demokratikong partido, iba't ibang samahalang di-pampamahalaan, iba't ibang grupong etniko at iba't ibang saray ng lipunan at malakihang nakakatulong ang kanilang proposal sa pambansang pag-unlad. Sa tingin ko, may katangi-tanging bentahe at maluwalhating prospek ang sistema ng CPPCC sa pagpapasulong ng sosyalistang demokratikong pulitika."
|