• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-14 18:38:31    
Ang mga mamamayang Tsino, nakikinabang sa Olimpiyada

CRI

Si Madam Zhang Ming ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa Beijing. Kasabay na papalapit na Olimpiyada ng Beijing, nakadarama siyang nakikinabang ang mga mamamayan sa preperasyon ng Olimpiyada. Sinabi niyang sa kasalukuyan, mas maginhawa ang komunikasyon. Noon, walang bus na pampubliko sa ilang kumunidad sa Beijing, pero, ngayo'y naragdag na ang mga ruta ng pampublikong bus at murang mura ang pasahe.

Mula sa pagpigil sa polusyon ng hangin hanggang sa pagbibigay-priyoridad sa pagpapaunlad ng kumunikasyong pampubliko, mula sa pagpapasulong ng proteksyong pangkapaligiran hanggang sa paglulunsad ng pambansang kampanya ng body buildiing, nakikinabang ang buong lipunan at mga mamamayan ng Tsina sa mga bungang dulot ng paghahanda para sa Olimpiyada. Sa taunang pulong ng NPC, Pambansang Kongresong Byan ng Tsina at CPPCC, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga mamamayang Tsino na idinaraos ngayon sa Beijing, ang tema ng Olimpiyada ay nagsisilbing pokus na pinapansin ng mga kinatawan ng NPC at mga kagawad ng CPPCC.

Ang "green, human at high-tech" ay ang 3 konsepto ng Olimpiyada sa Beijing at ito ay may mahigpit na kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Kung ang "green Olympic" ang pag-uusapan, isinasagawa ng Beijing ang maraming hakbangin para sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin na gaya ng pagsasa-ayos ng estruktura at pagsara at paglipat ng mga bahay-kalakal na may malubhang polusyon. Sa kasalukuyan, inalis na mula sa Beijing ang halos ng lahat ng mga bahay-kalakal na mabigat ang polusyon. Sinabi ni Liu Jingmin, kagawad ng CPPCC at pangalawang Gobyernador ng munisipalidad ng Beijing na kapansin-pansing bumubuti ang kalidad ng hangin sa Beijing sa pamamagitan ng walang tigil na pagpigil sa polusyon. Sinabi niyang lumampas sa 67% noong 2007 ang bilang ng mga araw sa buong taon na may mataas na kalidad na hangin. Sa kasalukuyan, ipinagpatuloy sa Beijing ang mga konkretong hakbangin sa ika-14 yugto para mapigilan ang polusyon ng hangin.

Samantala, naglaan ang pamahalaan ng Beijing ng maraming pera para sa pagtatayo ng 37 pasilidad na pampalakasan para sa Olimpiyada at natapos na ang 36. Ang "bird nest", national sports centre ay magbibigay-wakas sa pagtatatag sa darating na Abril ng taong ito. Bukod dito, natapos sa kabuuan ang pagtatatag ng "Olympic Village". Pagkaraan ng Olimpiyada, ang ganitong mga pasilidad na pampalakasan ay magkapaglilingkod sa mga mamamayan para sa pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan ng Beijing.

Bukod sa Beijing, ang Shanghai, Tianjing, Shenyang,Qingdao,Qin-huangdao at Hongkong ang sumama sa Beijing sa pagdaraos ng Olimpiyada, at sa gayo'y hindi lamang malawakang pinalalaganap ang diwa ng Olimpiyada, kundi rin nakikinabang ang mga mamamayan dito.

Ang Olimpiyada ay nagdudulot ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan kapawa sa materyal at diwa at nagtatamasa ang Tsina ng benepisyong dulot ng Olimpiyada. Sinabi ni Liu Jingmin na ang Olimpiyada ay hindi lamang nagpapabuti ng impraestruktura sa lunsod, kundi nagpapasulong ng pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at iba't ibang bansa sa daigidg at nagpapataas ng kalidad ng sibilisasyon ng buong nasyon.