Ang taunang pulong ng NPC at CPPCC ay idinaos bawat taon sa Marso sa Beijing, sa taong ito, ang bilang ng mga mamamahayag na nag-ulat sa mga sesyon ng NPC at CPPCC ay pinakamarami at naging bagong rekord sa kasaysayan. Mga 6 libong kinatawan ng NPC at kagawad ng CPPCC ang lumahok sa mga sesyon at may mahigit 3 libong mamamahayag, ito ay nangangahulugan na ang ratio ng bilang ng mga kalahok at mga mamamahayag ay 2:1.
Ito ay isang malaking hamon sa mga mamamahayag, puspusang nagsisikap ang bawat tao.
Ang taong kapanayamin ng mga mamamahayag sa unang kuhang-larawan ay si Fang Xiaogang, isang kilalang direktor sa Tsina. Sa ika-2 kuhang-larawan, ang tao sa ginutuang damit ay isang kagawad mula sa pambansang minorya at ang espesiyal na damit ay umakit sa isang mamamahayag.
|