• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-17 17:38:25    
Tsina, muling pinahihigpit ang patakaran sa pananalapi sa 2008

CRI

Napagpasiyahan ng Pamahalaang Tsino na sa halip ng pagpapatuloy ng 11-taong matatag na patakaran sa pananalapi, muling isagawa ang mahigpit na patakaran sa pananalapi sa kasalukuyang taon.

Kaugnay ng dahilan nito, ganito ang inilahad ni Premyer Wen Jiabao.

"Nagpasiya kaming pahigpitin ang patakaran sa pananalapi dahil nananatili pa ring malaki ang presyon na dulot ng posibleng paglaki ng pamumuhunan sa mga di-natitinag na ari-arian, labis ang pagpapautang ng mga bangkong komersyal, hindi pa rin nalulutas ang isyu ng excess liquidity, maliwanag ang presyon na dulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto. Upang malutas ang nasabing mga problema, dapat naming kontrolin ang suplay ng salapi at pagpapautang."

Tungkol naman sa mga konkretong hakbangin, sinabi ni Premyer Wen na upang makontrol ang suplay ng salapi, magsasagawa ang Bangko Sentral ng Tsina ng mga hakbangin na tulad ng open-market operations, pagsasaayos ng deposit reserve ratio at interest rate. Kaugnay ng pagpapautang, binigyang-diin ni Wen na buong-sikap na pabubutihin ng mga bangko ang estruktura ng kanilang pagpapautang. Sinabi pa niya na:

"Kokontrolin namin ang medium at long-term na pautang, lalung lalo na doon sa mga bahay-kalakal na malakas ang konsumo sa enerhiya at malakas ang polusyon. Sa halip naman, pag-iibayuhin ang pagpapautang sa agrikultura, magsasaka, kanayunan, industriya ng serbisyo, maliliit at katamtamang-laking bahay-kalakal o SMEs, sarilinang inobasyon, pagtitipid sa likas na yaman, koordinadong pag-unlad sa pagitan ng iba't ibang lugar at iba pa."

Si G. Lin Yifu, dalubhasang Tsino sa kabuhayan, ay manunungkulan bilang pangalawang presidente at punong ekonomista ng World Bank. Sinabi niyang ang mga hakbanging nabanggit ni Premyer Wen ay nagpapakitang higit pang pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang paggamit ng mga patakaran sa pananalapi para maisaayos ang estrukturang pangkabuhayan.

Pero, binigyang-diin naman ni Zhou Xiaochuan, Presidente ng Bangko Sentral ng Tsina, na lubusang mag-iingat ang kanyang bangko sa pagsasaayos ng interest rate. Sinabi pa niya na:

"Tiyak na meron pa ring espasyo sa pagpapataas ng interest rate. Pero, sa pagpapairal ng hakbanging ito, isasaalang-alang namin ang idinudulot na impluwensya ng pagbaba ng interest rate ng Estados Unidos at isasaalang-alang din namin ang pag-asa ng Pamahalaang Tsino na mabawasan ang deposito at mapalaki ang konsumo."

Ayon sa Pamahalaang Tsino, pahihigpitin din nito ang pagsusuperbisa sa mga hot money at pasusulungin ang pagiging convertible ng RMB sa capital account.

Meron ding mga dalubhasang nagmungkahing kasabay ng pagpapahigpit ng patakaran sa pananalapi, isaayos ang patakarang piskal, patakarang may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas at iba pa. Tungkol dito, ganito ang sinabi ni He Qiang, dalubhasa mula sa Central University of Finance and Economics.

"Sa tingin ko, kasabay ng pagpapairal ng mahigpit na patakaran sa pananalapi, magsasaayos din ang Pamahalaang Tsino ng iba pang patakaran. Malaki ang ginagampanang papel ng patakaran sa pananalapi sa pagkontrol ng pagiging labis na mainit ng kabuhayan, pero, limitado ang papel nito sa paglutas sa mga problemang may kinalaman sa pagsasaayos ng estuktura."