• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-18 16:16:36    
Ang kagawad ng CPPCC mula sa CRI, si Fan Bingbing

CRI
Dahil dito, inimungkahi ni Fan sa pamahalaan na ibayo pang palawakin ang konstruksyon ng soft power ng Tsina, lalo na ng pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig sa impormasyon ukol sa iba't ibang larangan ng Tsina sa pamamagitan ng iba't iang uri ng modernong paraan at tsanel. Kaugnay nito, iniharap ni Fan ang ilang aktuwal na mungkahi, sinabi niya na

"Kung maisasakatuparan ang tungkuling ito, kailangang palakasin ng estado ang laang-gugulin sa human anf material resources. Unang-una, sa palagay ko, dapat katigan ng pamahalaan ang gawain ng mass media na isabalikat ang pagpapakilala ng Tsina sa mga kaibigan sa ibayong dagat; ikalawa, dapat dagdagan ang tsanel ng impormasyon para maunawaan ng mga dayuhan ang Tsina sa pamamagitan ng ilang bagong teknolohiya."

Ang lahat ng mga panukalang-batas na isinumite ng mga kinatawan ng CPPCC ay tatalakayin sa panahon ng pulong na ito at para kay Fan na lumahok sa kauna-unahang pagkakataon sa pulong ng CPPCC, ito ay nagsisilbing mabigat na presyur. Upang mas mabuting maghanda para sa pulong na ito, laging nakikipagpalitan si Fan ng palagay sa mga lumang kinatawan. Pakatapos ng pulong na ito, masiglang sinabi ni Fan na

"Nang simulan ang pulong, nag-aatubili pa ako sa paghain ng naturang panukalang-batas, dahil hindi ko alam kung mabuti ito o hindi at tatanggapin ito o hindi. Ngunit pagkaraang makinig ako sa ulat ng tagapangulo ng CPPCC, napanatag na ang loob ko. Maraming makatuwirang panukalang-batas ng mga kagaward ay pinahalagahan, kinatigan at tinanggap."

Nitong 5 taong nakalipas, 99% ng panukalang-batas ng mga kinatawan ay tinanggap at sa palagay ni Fan, lubos na pinainit nito ang kasiglahan ng mga kagawarad sa pakikilahok sa mga suliranin ng pamahalaan.