|
Ang narrative-singing ng Tsina ay pangkalahatang tawag sa iba't ibang uri ng sining ng pagsasalaysay at pag-aawit at ito ay naging isang tanging pormang pansining batay sa mahabang panahong ebolusyon ng literaturang oral at sining ng pag-aawit.
Ang lunsod Tianjin ay nagsisilbing lupang-tinubuan ng pormang pansining na ito ng Tsina at nitong ilang taong nakalipas, aktibong pinauunlad nito ang tradisyonal na narrative-singing at pinasasagana ang pamumuhay na kultural ng mga mamamayang lokal.
Sa Tianjin, nakakadama kayo ng makapal na atmosperang pansining, lalo na sa masaya at maginhawang narrative-singing sa kapihan at ang pakikinig sa comic dialogue doon ay naging isang uso ng mga mamayang lokal. Sinabi ni Ding Zi, isang manonood na,
"Ang Tianjin ay lupang-tinubuan ng narrative-singing at sa palagay ko, ang mga dalubhasa sa narrative-singing ng Tianjin ay dapat ipakilala sa buong bansa."
Sabayang itinanghal sa iba't ibang purok ng Tianjin ang comic dialogue tuwing gabi. Marami ang comic dialogue troup doon, bukod ng propesyonal, may mga pangsibilyang grupo ng comic dialogue. Puno ng mga manonood ang mga dulaang may palabas ng comic dialogue tuwing araw at masagana ang negosyo nito.
Ipinalalagay ni Wang Yongliang, Pangkalahatang Kalihim ng Ballad Singers Association ng Tianjin na ang mga dahilan ng kasaganaan ng comic dialogue nito ay, unang-una, may malalim na tradisyonal na pundasyong kultural ang Tianjin. Ang Tianjin ay bayang pinagsibulan ng comic dialogue at mahigit sandaang taon ang kasaysayan nito; ikalawa, buong siglangkinagigiliwan na pagtanggap ng mga mamamyang lokal at bukod dito, ang isa pang mahalagang dahilan ay puspusang pagkatig ng pamahalaan sa tradisyonal na sining. Sinabi niya na,
"Tuwing dalawang taon o tatlong taon, idaos namin ang pagtatanghal ng narrative-singing ng Tianjin at ito ay nagsisilbing pagpapakasikat ng sining na ito at ang kapistahan rin ng narrative-singing. Ibayo pang napapasulong ang kasaganan at pag-unlad nito sa pamamagitan ng aktibidad na ito."
|