• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-18 18:15:55    
Premyer Wen, sinagot ang mga tanong na may kinalaman sa mga kapansin-pansing isyu

CRI

Natapos ngayong umaga ang unang sesyong plenaryo ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC, kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina. Pagkatapos ng seremonya ng pagpipinid, naghandog ng preskon ang Konseho ng Estado ng Tsina na kung saan sinagot ni Premyer Wen ang mga tanong na iniharap ng mga mamamahayag mula sa loob at labas ng bansa.

Kaugnay ng kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina, sinabi ng premyer Tsino na sapul nang huling hati ng nagdaang taon, nananatiling labis na mabilis ang pagtaas ng presyo, kaya, aniya, sa kasalukuyang taon, ipinauuna ng Pamahalaang Tsino ang pagpigil ng implasyon. Sinabi pa niya na:

"Sa kasalukuyan, umaabot sa 150 milyong tonelada hanggang 200 milyong tonelada ang kabuuang bolyum ng reserba ng pagkaing-butil ng Tsina at hindi nagbabago ang kalagayang lampas sa pangangailangan ang suplay ng mga pangunahing produktong industriyal. Batay rito, kung magsasagawa kami ng mabibisang hakbangin, lipos kami ng pananalig na makokontrol ang labis na mabilis na pagtaas ng presyo."

Sa pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa pangyayaring naganap kamakailan sa Lhasa, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, sinabi ni Premyer Wen na may sapat na katibayan ang Pamahalaang Tsino na ang Dalai Group ay nasa likod ng nasabing naganap na pangyayari. Sinabi pa ng premyer Tsino na:

"Walang-dudang sapul nang mapayapang palayain ang Tibet, nagsimula na itong magsagawa ng demokratikong reporma at salamat dito, malaking sumusulong ang rehiyong awtonomong ito. Garapal na kasinungalingan ang sabi-sabing nagtatangka ang Pamahalaang Tsino na lipulin ang kulturang Tibetano. Hinding-hindi magbabago ang paninindigan ng Pamahalaang Tsino na pasulungin ang pamumuhay ng mga Tibetano, katigan ang pag-unlad ng rehiyong ito at pangalagaan ang kultura't kapaligirang ekolohikal ng Tibet."

Tungkol naman sa isyu ng Taiwan, ganito ang iniulit ni Premyer Wen.

"Gusto kong muling bigyang-diin ang pag-asa ng panig ng Chinese Mainland, na sa paunang kondisyong isang Tsina, mapapanumbalik ang talastasang pangkapayapaan sa pagitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at sa ilalim ng itong kondisyong ito, nakahanda ang Pamahalaang Tsino na makipagtalakayan sa Awtoridad ng Taiwan hinggil sa anumang isyu na kinabibilangan ng pagtigil ng ostilong kalagayan ng magkabilang panig."

Bilang tugon sa intensyon ng iilang elemento na gawing pulitikal ang gaganaping Beijing 2008 Olympic Games, ganito ang inilahad ng premyer Tsino.

"Ang gaganaping Olimpiyada sa Beijing ay magsisilbing malaking pagtitipun-tipon ng sangkatauhan. Umaasa ang mga mamamayang Tsino na mapapahigpit ang kanilang pakikipagpalitan sa daigdig sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Olimpiks. Hindi maipagkakaila ang katotohanan na bilang isang umuunlad na bansa, hindi maiiwasan ng Tsina ang mga problema sa proseso ng pagtataguyod ng gaganaping Olimpiyada. Gayumpaman, nagpupunyagi ang panig Tsino at taos-puso ang hangarin ng mga mamamayang Tsino para buong-husay na paglingkuran ang mga lalahok na atleta at panauhin mula sa apat na sulok ng daigdig."