![]( /mmsource/images/2008/04/01/shredporkegg1.jpg)
Mga sangkap
150 gramo ng lomo ng baboy 4 na itlog 10 gramo ng shaoxing wine 2 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 5 gramo ng tuyong cornstarch 150 gramo ng langis na panluto 1 puti ng itlog
Paraan ng pagluluto
Batihin ang apat na itlog sa isang mangkok at lagyan ng 1 1/2 gramo ng asin, vetsin, scallion at 5 gramo ng langis na panluto. Haluing mabuti.
Hiwa-hiwain ang lomo ng baboy sa pirasong 6 na sentimetro ang haba at 0.3 sentimetro ang lapad at kapal. Lagyan ng 1/2 gramo ng asin, tuyong cornstarch at puti ng itlog at haluing mabuti.
Maglagay ng 50 gramo ng langis na panluto sa kawa at initin sa temperaturang mula 70 hanggang 100 degree centigrade. Igisa ang mga piraso ng baboy hanggang sa maluto. Alisin at patuluin.
Maglagay ng 100 gramo ng langis sa kawa at initin sa temperaturang mula 200 hanggang 220 degree centigrade. Ilagay ang binating itlog at alugin nang tuluy-tuloy ang kawa para hindi dumikit dito ang itlog. Kapag hugis-singsing na bibingka na ang itlog, ilagay ang mga piraso ng baboy. Baligtarin ang itlog para matakpan nito ang mga piraso ng baboy. Patuloy na kalugin ang kawa para hindi sumobra ang pagkakaluto ng itlog. Baligtarin uli ang itlog para umibabaw ang mga piraso ng baboy. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: may kulay na ginintuang dilaw. Lasa: nakapasarap.
|