• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-19 15:12:47    
Restawran ng estilong kanluranin sa Sanya

CRI

Sa Hainan, hindi lamang nag-enjoy ang mga turista ng magandang serbisyo, kundi maaaring kumain ng espesyal na ulam. Sa kabayanan ng Sanya, may isang kilalang mediterranean restaurant na nag-aalde ng pagkain sa estilong kanluranin. Ang amo nito na si Giuseppe Insana ay isang Italyano. Pagkapasok sa restawran, makakaranas kayo agad ng makukulay na kaugalian ng mediterranean sea.

Mahusay rin ang pagsasalita ni Insana ng wikang Tsino, sinabi niya:

"Nagkrokis akong mismo ng mga silya, mesa, pinto, ilaw at iba pang dekorasyon. Hindi lamang nagugustuhan ng mga bisita ang estilo rito kundi ang mga ulam, pizza, pasta at BBQ ay tunay na lasang Europeo."

Noong taong 2003, sa imbitahan ng kanyang kaibigang Tsino, pumarito sa Sanya si Insana. Nagtibiw siya sa tungkulin bilang isang propesor at itinatag ang nasabing restawran.

Hindi Sanya lamang, ang buong Hainan, sa kasalukuyan, ay humihikayat ng mas maraming negosyenteng dayuan panturista para sa pagsisimula ng negosyo at ipinakikilala ang Hainan sa mga turista sa iba't ibang lugar ng daigdig. Ipinahayag ni Zhang Qi, direktor ng kawanihang panturista ng Hainan na nakahanda ang industriyang panturista ng Hainan na tanggapin ang mas maraming mangangakal na panturista sa ibayong dagat sa pamamagitan ng mas bukas na pakikitungo.

"Ang turismo ay isang pangunahing industriya ng Hainan at ang pinakamahalagang gawain nito ay pagbubukas sa labas, sa isang banda, inaanyayahan ang mas maraming grupong pampamamahala, grupo ng hotel sa ibayong dagat para mamuhunan sa imprastrukturang panturista at sa kabilang banda naman, nangingibayong dagat para sa propmosyon ng industriyang panturista para ibayo pang pataasin ang reputasyon ng Hainan sa daigdig."