• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-20 16:55:00    
Pag-unlad ng Sonang Pangkabuhayan ng Beibu Bay, kapansin-pansin

CRI
Bilang isa sa mahahalagang hakbang para mapasulong ang pag-unlad ng iba't ibang rehiyon ng bansa, napagtibay at napasimulan nang pairalin ng Pamahalaang Tsino ang Plano ng Pagpapaunlad ng Sonang Pangkabuhayan ng Beibu Bay sa Guangxi.

Sa katatapos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina, nilinaw ng Pamahalaang Tsino na ang nasabing sonang pangkabuhayan ay nagsisilbing pangunahing rehiyon para mapasulong ang pambansang proyekto ng paggagalugad sa dakong kanluran at mapaunlad ang pagtutulungang Sino-Asean.

Ang Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ay ang siyang tanging lugar ng Tsina na kaugnay ng mga bansang Asean mapalupa man, mapahimpapawid o mapadagat. Nitong ilang taong nakalipas, nangunguna rin ang Guangxi sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean o CAFTA sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga multilateral na pagtutulungan.

Kaugnay nito, ganito ang inilahad ni Chen Wu, Pangalawang Puno ng Guangxi.

"Pagdating sa bentaheng heograpikal sa loob ng bansa, nakahangga ang Guangxi sa sonang pangkabuhayan ng dakong timog-kanluran at sonang pangkabuhayan ng dakong timog-kanluran ng Tsina. Sa labas naman, nakaugnay ito sa mga bansang Asean. Bilang pagsasamantala sa kanyang sariling mga bentahe, nitong ilang taong nakalipas, itinataguyod ng Guangxi ang taunang China-Asean Expo o CAEXPO at Porum sa Pagtutulungan sa Pan Beibu Bay. "

Sa kanyang Government work report sa katatapos na sesyon ng NPC, sinabi ni Premyer Wen Jiabao na sa kasalukuyang taon, palalalimin at palalawakin pa ng Tsina ang pagbubukas sa labas, pasusulungin ang inobasyon sa pamumuhunan sa ibayong dagat at pahihigpitin ang bilateral at rehiyonal na pagtutulungan.