• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-20 16:55:21    
Mga mangangalakal na panturista na hinihikayat ng Sanya

CRI

Ang lunsod na Sanya sa lalawigang Hainan sa timog Tsina ay isang kilala-kilalang tourist spot na nagkatangi ng tropical island na may maliwanag na araw, sariwang hangin at malabot at puting dalampasigan. Hindi lamang hinihikayat nito ang maraming turista mula sa loob at labas ng bansa, kundi ang maraming mamamayang dayuhan na pumarito para isagawa ang negosyong panturista. Ngayon, isasalaysay ko sa inyo ang mga mamamayang dayuhang nagpapatakbo ng negosyong panturista doon.

Nangangasiwa si G. Andre, isang mangangalakal na Ruso ng isang ahensiyang panturista sa Sanya. Masyadong kinala siya sa lokalidad at dahil sa kayang ambag sa pagpapaunlad ng pamilihang panturista ng Hainan, ginawaran siya ng pamahalaan ng Hainan ng pinakamataas na gatimpala sa mga mamamayang dayuhan.

Nang mabanggit ang Hainan at Sanya, sinabi niya sa mahusay na wikang Tsino na:

"Ilang katangian ng Hainan ang nasa sukdulan ng bansa: una, klima. Ang Sanya ay tanging lugar na may klimang tropikal sa Tsina. Ika-2, pinakamaliit ang populasyon ng lalawigang Hainan sa lahat ng lalawigan ng Tsina. Napakaginhawa dito, hindi masyadong marami ang tao kumpara sa iba pang mga lunsod o munisipilidad ng Tsina. Ika-3, maganda ang lagay ng kapaligiran: walang polusyon. Ang Hainan ay espesyal na rehiyong pangkabuhayan at nagtatamasa ng ilang patakarang preperensiyal, kaya, kaakit-akit ito para sa mga turista at negosyente."

Noong taong 1994, natapos ni Andre ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad, pagkaraang bumasa ng isang aklat ukol sa Sanya, pumarito siya at mga kaibigan sa Sanya para sa paglalakbay. Sa panahong iyan, hindi maunlad ang industriyang panturista ng Sanya, halos walang turista sa buong lunsod. Pero, malalimang hinikayat siya ng magandang tanawin doon at tinamaan siya ng ideyang magpatakbo ng negosyong panturista.

Kaya, itinatag niya ang isang ahensiyang panturismo. Nitong ilang taong nakalipas, lumaki nang 90% bawat taon ang mga turistang Ruso na naglalakbay sa Hainan at ang Hainan ay naging isa sa mga pinakakaakit-akit na destinasyon ng paglalakbay sa mga mamamayang Ruso.

Sinabi ni Andre na kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga turistang Ruso bawat taon, naging masigla ang kanyang negosyo ng ahensiyang panturismo.

"Sa kasalukuyan, tumatanggap kami ng mahigit 1 libong turistang Ruso bawat buwan. Mabilis ang pag-unlad ng pamilihang panturista ng Hainan. Ang tumutukoy lamang dito ay mga bisitang Ruso."