Ang lunsod ng Hangzhou na may mahigit 2200 taong kasaysayan ay nasa timog hilagang babaying-dagat ng Tsina. Bilang isang kilala-kilalang lunsod na panturista, may maraming lugar na laging pinupuntahan ng mga turista mula sa loob at labas ng bansang gaya ng Westlake sa loob ng lunsod at Xixi na isinalaysay minsan sa aming programa. Ngayon, dadalhin kita sa Hefang Street ng lunsod ng Hangzhou.
Ang Hefang Street ay nasa paanan ng bundok ng Wushan at ito ay isang bahagi ng Westlake na nag-aaplay ng world cultural heritage. 460 metro ang haba at 12 metro ang lapad ng main street ng Hefang Street. Mahigit 880 taong nakalipas, sa Nansong Dynasty ng Tsina, ang Hangzhou ay naging punong lunsod ng bansa at bilang sentrong pangkultura at pangkabuhyan sa panahong iyan, napakasagana ng Hefang Street.
Sa kasalukuyang Hefang Street, napapanatili ang ilang ng matandang arkitektura. Nakakahilera ang mga kahoy na pabahay na may bubungan ng abuhing tisa sa magkabilang panig ng kalye. Sinabi ni Shan Xianping, opisyal ng lupon ng pamamahala sa Hefang Street na
"Sa magkakaibang panahon, ilang aktibidad ng pagdiriwang ang idinaraos sa Hefang Street. Sa panahon ng kapistahang pantagsibol, may temple fair. Mula una hanggang ika-15 ng Enero sa tradisyonal na kalendaryong Tsino, may ibang aktibidad ng pagdiriwang. Makikita mo ang tradisyonal na sibilisasyon, kaugalian dito. Pamarito ang mga manlalakbay ay hindi para sa pamamasyal lamang, makakaranas sila ng bakas ng kultura ng tumitigmak sa kalyeng ito."
May mga tea shop sa Hefang Street, ang mga waiter doon ay nakaka-tradisyonal na kasuutan sa paglilingkod sa mga bisita. At sa tindahan ng tela naman, ang amo ay nagpapakita habing-kamay na sining. Ang malalako ng maltose ay nakasuot rin ng tradisyonal na mahabang damit sa pagtitinda.
|