• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-28 17:26:46    
Pakistan, handa-handa sa pagsalubong ng Beijing Olympic flame

CRI
Noong Huwebes, sa kauna-unahang pagkakataon, lumitaw ang lumobong modelo ng limang marikit na Fuwa sa Jinnah Sport Complex sa Islambad, punong lunsod ng Pakistan. Nang araw ring iyon, inihandog ang magkasanib na preskon ng Pakistan Olympic Association at Embahada ng Tsina sa Pakistan para isalaysay ang hinggil sa paghahanda ukol sa paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa Islambad, at kasabay nito, opisyal na nagpalabas sila ng ruta ng paghahatid ng sulo.

Ayon sa salaysay ni Arif Hassan, tagapangulo ng Pakistan Olympic Association na sisimulang ihatid ang holy fire ng Beijing Olympic Games sa ika-16 ng April sa Islambad, ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa Pakistan na idaos ang paghahatid ng holy fire ng Olympiyada, ikinasisiya ito ng kanyang bansa at gumawa ng lubos na paghahanda, hanggang sa kasalukuyan, handa-handa na ang lahat ng gawain. Sinabi niyang:

"tuwang-tuwa kami bilang isa sa mga kasapi ng may-harmonyang biyahe, umaasang babahaginan ang pangarap na ito kasama ng mga mamamayang Tsino, sigurado kaming handa-handa na ang lahat.

Sa preskon, inilahad ni G. Hassan ang hinggil sa iba't ibang aspekto ng gawain ng paghahanda para sa paghahatid ng sulo. Ayon sa kanya, naitatag na ng panig ng Pakistan ang leading committee, working committee at iba pang organisasyon para mamahala ng aktibidad na ito, kasabay nito, marami nilang nagawa para sa pagpapasulong ng propaganda, sa panahong iyan, ikokober ang aktibidad na ito ng maraming mass media na tulad ng TV at radio station. Bukod dito, ayos na ang mga hakbanging panseguridad. Ipinatalastas pa ni Hassan ang pinal na plano ng ruta ng paghahatid ng sulo. Sinabi niyang:

"Ipinasiya na namin ang pinal na plano ng ruta ng paghahatid ng sulo. Ang sulo ay dadaan mula Jinnah Avenue ng Constitution Avenue na kinaroroonan ng palasyong pampanguluhan, gusali ng parlimento, kataas-taasang hukuman, sekretaryat ng punong ministro at iba pang pangunahing departamento ng pamahalaan, rehiyon ng mga embahada, at sa Serena Hotel, dadako pakanan sa Kashimir Highway at sa wakas, darating sa Jinnah Sport Complex.

Isinalaysay pa ni G. Hassan na idaraos ang maringal na seremonya ng pagsisindi ng holy fire at pagkatapos ng paghahatid ng sulo, may malaking aktidad ng pagdiriwang sa Jinnah Sport Complex, tatagal nang mga 5 oras ang buong proseso.

Nagpahayag si Luo Zhaohui, embahador ng Tsina sa Pakistan ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ginawa ng panig ng Pakistan para sa aktibidad ng paghahatid ng sulo ng Olympiyada. Sinabi niyang:

"Marami ang ginawa ng Pakistan Olympic Association sa pamamagitan ng grupong pinamumunuan ni tagapangulong Hassan para sa akitibidad ng paghahatid ng sulo, makabagbag-loob ang kanilang ambag, napakasipag nila. Kaya, gusto kong pasalamatan si G. Hassan at ang iyong grupo sa lahat ng ginawa ninyo mula noong kalagitnaan ng tinalikdang taon. At gusto kong magpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa pamahalaan at mga mamamayan ng Pakistan. Makakasaksi at makikibahagi kayo sa panaginip at kasiglahan ng Olympiyada, sasalubong ang pagdating ng sulo ng Olympiyada.

Nakatawag ng mataas na pansin ang preskong ito mula sa mga mediang lokal, mga 100 mamamahayag na Pakistani at dayuhan ang kalahok sa preskong ito. Si Nansheen Yusuf ay isang babaeng mamamahayag mula sa TV station sa lokalidad, nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng CRI, ipinahayag niyang ang aktibidad ng paghahatid ng sulo ay hindi lamang isang kapistahan para sa sirkulong pampalakasan, kundi rin para sa mga media.