Upang mapangalagaan ang naturang pambihirang uri ng ibon, ang Zhalong natural reserve zone ay hindi lamang maayos na nangangalaga sa mailap na red-crowned cranes, kundi nagsagawa rin ng artipisyal na pag-aaruga ng mga ito, at naging itong pinakamalaking base ng artipisyal na pag-aaruga at pagpaparami ng red-crowned cranes sa Tsina.
Sapul nang isagawa ang gawaing ito sa sonang ito noong 1979, hanggang sa kasalukuyan, artipisyal na pagpaparami ng mahigit 640 red-crowned cranes.
Para makatugon sa hangarin ng mga turista na lumapit sa red-crowned cranes, inilaan ng mga working staff ang isang swamp land sa loob ng reserve zone para lumakad nang malaya ang mga red-crowned cranes sa takdang panahon. Kay ganda ng larawan nang makita ang mga cranes na umiindak at naghahabulan sa berdeng damuhan, nakadadama kayo ng kasiyahan.
Sinabi ni Ginoong Liu Jianfeng, isang animal keeper, na napakaamo ang mga cranes na iniaalaga ng tao at hindi natatakot sila sa mga tao. Magkakalapit ang mga cranes at mga animal keeper. Sinabi niya na,
"Buong lugod na nakita ko ang pag-indak ng mga cranes. Tuwang-tuwa akong naramdaman ang mainam na ugnayan at mapagmahal na damdamin sa pagitan ng hayop at mga tao."
Nakakatanggap ang Zhalong natural reserve zone ng maraming turista bawat taon, at ang karamihan sa mga ito ay pumunta dito para bumisita sa mga red-crowned cranes. Buong pagkakaisang hinahangaan nila ang may harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan sa isa't isa.
|