• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-04 19:06:31    
Gawain ng paghahanda para sa Beijing Olympics, pinapurihan ng IOC

CRI
Ipininid kahapon sa Beijing ang tatlong araw na ika-10 sesyong plenaryo ng komisyong tagapagkoordina ng International Olympic Committee, IOC para sa Beijing Olympic Games. Sa preskong idinaos pagkatapos ng sesyon, binigyan ng mga opisyal ng IOC ng mataas na pagtasa ang iba't ibang gawain ng paghahanda para sa kasalukuyang Olimpiyada.

Ipinahayag sa preskon ni Hein Verbruggen, tagapangulo ng naturang komisyon, na hanggang sa kasalukuyan, walang sagabal ang mga gawain ng paghahanda para sa Beijing Olympic Games at maiiwan ng Beijing ang mahalagang pamana ng Olimpiyada sa buong daigdig. Sinabi niyang,

"Ikinalulugod kong tayahing lubos na magtatagumpay ang Olympic Games na idaraos sa darating na Agosto sa Beijing. Sa mula't mula pa'y tumatahak sa tumpak na landas ang mga gawain ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games. Magiging namumukod ang kasalukuyang Olimpiyada at makikinabang dito ang mga manlalaro."

Sa kasalukuyan, buong lakas na isinasagawa ng Beijing ang iba't ibang hakbangin para makontrol ang polusyon sa hangin. Mula noong Marso Uno ng taong ito, pinairal ng Beijing ang bagong pamantayan hinggil sa pagbuga ng exhaust gases ng mga sasakyang de motor na magkapareho sa European discharge regulation IV. Itinatag din ng Beijing ang sistema ng pag-uulat ng lagay ng kalidad ng hangin na sumasaklaw sa Beijing at iba't ibang lugar sa paligid nito. Isinagawa kamakailan ng pandaigdig na organo ng pagmomonitor sa kalidad ng hangin ang pagtaya sa kalidad ng hangin ng Beijing sa darating na Agosto ng taong ito. Ikinasisiya ni Verbruggen ang resulta ng pagtaya at nananalig siyang mainam ang kalidad ng hangin sa panahon ng Beijing Olympic Games at hindi magdudulot ng anumang epekto sa mga manlalaro.

Sa kasalukuyan, sa 37 venues para sa Beijing Olympic Games, natapos na ang konstruksyon ng 36 at matatapos sa buwang ito ang konstruksyon ng National Stadium. Maalwan namang sumusulong ang konstruksyon ng 6 na may kinalamang pasilidad. Nagpahayag din si Verbruggen ng kasiyahan sa bilis ng konstruksyon ng naturang mga competition at non-competition facilities at kalidad ng mga ito.

Sa panahon ng kasalukuyang sesyon, naglakbay-suri pa si Verbruggen at ang mahigit 20 miyembro ng naturang komisyon sa Beijing Olympic Village na matatapos ang konstruksyon sa malapit na hinaharap. Nang mabanggit ang kanyang impresyon sa Beijing Olympic Village, sinabi ni Gilbert Felli, miyembro ng komisyong tagapagkoordina ng IOC para sa Beijing Olympic Games at Olympic Games Executive Director ng IOC, na,

"Kay ganda ng buong Olympic Village at bawat silid. Ikinasisiya ko ang laki ng mga silid, kama at upuan. Nananalig akong magpahayag din ng kasiyahan sa mga ito ang mga manlalaro."

Ang kasalukuyang sesyon ay panghuling sesyong plenaryo ng komisyong tagapagkoordina ng IOC para sa Beijing Olympic Games at ito ay palatadaang pumasok sa panghuling yugto ang gawain ng paghahanda para sa Beijing Olympic Games. Panghuling yugto man, pero napakahalaga pa rin. Ipinahayag ni Verbruggen na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang relasyong pangkooperasyon ng kanyang komisyon at Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games o BOCOG at sa loob ng mahigit sandaang araw bago ang pagbubukas ng Olimpiyada, patuloy na kakatig ang kanyang komisyon sa mga gawain ng paghahanda at magsisikap, kasama ng BOCOG, para maitaguyod ang isang matagumpay na Olimpiyada.