• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-09 17:51:40    
Hengdian World Studio ng Tsina

CRI

Sa kasalukuyan, ang istudyong ito ay naging isang lugar na panturista sa pambansang antas. Noong 2007, 4.8 milyong person-time na turista ang bumisita sa Hengdian. Ang sangkaderbang bilang ng mga turista at grupo ng pagkuha ng pelikula at TV show ay nagdulot ng malaking pagkakataong komersyal sa Hengdian. Sinabi ni Liu na,

"Ang mga negosyo dito na gaya ng industriya ng pagkain, inumin at hotel ay pinalalakad ng mga mamamayang lokal at dito walang problema ng paghahanap-buhay."

Si Zhang Genmiao na nagsimulang magpalakad ng negosyo ng pagkain at inumin, ay depende sa nabanggit na palasyo. Mula noong 2002, yumabong nang yumabong ang negosyo ng kaniyang restawran. Sinabi niya na,

"Ako'y taga-Hengdian at ang pangunahing negosyo ko ay pagpapatakbo ng restawran, kung may darating na grupong pansining sa aking restawran, karaniwa'y umabot mula 800 hanggang 1000 person-time isang beses. Mabuti ang negosyo. Kung walang palasyong ito, imposibleng naging gayong kayabong ang aming negosyo."

Sa pamamagitan ng pagpapasulong ng industriyang kultural ng istudyong ito, pinabuting malaki ang lagay ng komunikasyon at anyo ng Hengdian at nagsingtulad na ng mga tao sa labas ng Hengdian sa kanilang pamamaraan sa isip at kilos. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na matagumpay ang modelong pangkaunlaran ng Hengdian sa pagpapaunlad ng industriyang panturista sa pamamagitan ng pagpapasulong ng pelikula at teleplay.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang halaga ng ari-arian ng Hengdian World Studio ay umabot sa 3 bilyong yuan RMB at sa ilalim nito, may mahigit 20 sangay na base at kompanya na panturista na nag-eempleyo ng mahigit 2000 tao. Sinabi ni Liu na ang target ng istudyong ito ay magpapasulong ng industriyang panturista ng pelikula at teleplay ng Hengdian sa unang hanay sa daigdig.

"Halimbawa, magiging pangunahing uri ang serbisyo, episiyensyang panlipunan at pangkabuhayan sa daigdig. Ang Hollywood at Disney ay aming target."