• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-15 17:01:05    
Guo Tao at pelikulang "Lokong Bato"

CRI
Nitong nakalipas na ilang taon, lumitaw si Guo Tao mula sa mga aktor ng Tsina at mainam ang pagkita ng mga dula at pelikulang kung saan gumanap siya ng pangunahing papel. Sa programang "Kultura ng Tsina" ngayong gabi, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.

Ang 40 taong gulang na si Guo Tao ay isang artista ng National Theatre Company of China. Noong 1992, natapos niya ang pag-aaral sa Central Academy of Drama. Noong ika-9 na dekada ng ika-20 siglo, nagtanghal siya sa maraming dula gaya ng "Waiting for Godot" at positibo ang mga manonood sa kanyang palabas. Nag-iwan siya ng malalim na impresiyon sa mga manonood dahil sa kanyang katawa-tawang pangungusap at tandisang pagkatao.

Ginampanan din ni Guo ang pangunahing papel sa halos 100 pelikula o TV drama. At ang pinakamainit na pelikula sa mga ito ay "Crazy Stone" at naging siyang kilala sa buong Tsina dahil dito. Ginawa ang "Crazy Stone" ang isang batang direktor na si Ning Hao at gumanap si Guo Tao ng papel ng isang karaniwang taong mapagpatawa. Sinabi niyang:

"Ang 'Crazy Stone' ay sinundan pagkatapos ng maraming katulad na pelikula. Sa palagay ko'y dapat magkaroon ang sirkulo ng pelikula ng Tsina ng mas maraming gayong pelikula na bata ang direktor, maliit ang laang-gugulin at iba't iba ang estilo para mapayaman ang pamilihan."

Ang "Crazy Stone" ay isang komedya. Isinalaysay nito ang isang kuwentong nagmula sa isang esmeraldang natagpuan sa kasilyas. Dahil maraming dialect, black humor at komplikadong banghay ang ginamit sa pelikula, naakit nang husto ng buong pelikula ang mga manonood. Buhay na buhay ang pagganap ni Guo sa pagpapakita ng walang magagawa at hawak na kalagayan ng mga karaniwang tao.

Pagkatapos, ginampanan ni Guo ang pangunahing papel sa "Big Movie" at "Two Stupid Eggs". Isinalaysay ng "Two Stupid Eggs" ang kuwento ng isang mag-asawang nawalan ng pag-iibigan. Upang kumita, gumagawa sila ng isang science and educational film. Sa kanilang katawa-tawang proseso ng pagshu-shoot ng pelikulang ito, muling nahanap nila ang damdamin ng pag-ibig.