• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-17 15:49:05    
Yuchai Group sa Guangxi, aktibo sa paggagalugad ng pamilihan ng ASEAN

CRI
Ang Yuchai Group ay matatagpuan sa Yulin, lunsod sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Pagkaraan ng mahigit kalahating siglong pag-unlad, ang Yuchai ay nagsisilbi ngayong pinakamalaking bahay-kalakal sa daigdig na gumagawa ng internal combustion engines at pinakamalaking bahay-kalakal na gumagawa at nagluluwas ng maliliit at katamtamang engineering machinery ng Tsina.

Ang Yuchai Power Machinery Co. Ltd. ay isa sa mga sangay ng Yuchai Group at gumagawa ito, pangunahin na, ng mga diesel motor. Sapul nang itatag noong taong 2003, ang Yuchai Power Machinery ay aktibong naggagalugad ng mga pamilihan sa mga kapitbansa at sa ngayon, mainit na tinatanggap ang mga produkto nito sa pamilihang Biyetnames.

Sa paglibot ng mamamahayag sa planta ng Yuchai Power Machinery, nakita nito ang dalawang sulong na assembly line ng diesel motor. Sa dagundong ng makinarya, buhos na buhos ang pansin ng mga trabahador sa pagkakabit-kabit ng mga piyesa. Kaugnay ng pag-unlad ng kompanya, ganito ang inilahad sa mamamahayag ni G. Wu Chuang, punong tagapangasiwa ng kompanya.

"Sa pagtupad sa idea ng luntian at may harmonyang pag-unlad para maisakatuparan ang win-win situation, pinahahalagahan ng Yuchai Power Machinery ang pagpapasulong ng episyensiya ng kompanya sa pamamagitan ng pagtitipid sa enerhiya't pangangalaga sa kapaligiran. Sa prosesong ito, aktibo kami sa sarilinang inobasyon para mabawasan ang konsumo sa diesel ng aming motor at manguna sa umiinit na kompetisyong pandaigdig."