Sinabi ni Liu na ang pinakamalaking hangarin ng kanyang tatay sa buong buhay ay pagdaraos ng Olympic Games sa Tsina. Noong panahong iyon, mag-isang lumahok si Liu Changchun sa Olimpik, talagang namamangalaw. Ngayon, buong 1.3 bilyong mamamayang Tsino ang nagsisilbing pundasyon sa pagdaraos ng Beijing Olympic Games. Ang malaking pagkakaiba ay tumitimo sa puso ni Liu Hongliang, sinabi niyang:
"Ngayon, buong 1.3 bilyong tao ang gumagawa ng paghahanda para sa pagdaraos ng Olympic Games. Napakalaki ng pagkakaiba. Ito ay mahalagang palatandaan ng kasaganaan ng ating bansa, at ito rin ang isang mahalagang hakbang natin sa paglahok sa komunidad ng daigdig. Napakahalaga ito para sa atin."
Noong ika-24 ng Marso, pinasimulan ng pagsisindi ng Xiang Yun Torch ang pambungad ng 2008 Beijing Olympic Games, itinaas ang holy fire ni Olympic Torchbearer Liu Hongliang at nagsimula sa kanya at hinahangad na niyang tatay na 200 metrong itong biyahe ng paghahatid ng sulo. Maikli ang 200 metro dahil ilang minuto lamang ang kinakailangan. Mahaba rin ang itong 200 metrong biyahe dahil mula noong 1908, hinahangad na ng mga Tsino ang pagdaraos ng Olympic Games sa Tsina at ngayon natupad ang hangaring ito. Saandaang taong lumakad ang Tsina para tuparin ang pangarap nito.
|