• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-24 15:49:07    
Makinarya ng Tsina, mainit na tinatanggap sa pamilihan ng Biyetnam

CRI
Noong Nobyembre, taong 2006, sumapi sa World Trade Organization ang Biyetnam. Bilang pagsasamantala sa pagkakataong ito, nagluwas ang Yuchai Power Machinery ng unang kargamento ng 70 diesel motor sa Biyetnam noong katapusan ng taong 2006 at sapul noon, walang-humpay nang lumalaki ang pagluluwas ng Yuchai sa Biyetnam. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni G. Tan Haisheng, tagapangasiwa sa marketing ng kompanya.

"Sa kasalukuyan, ang Biyetnam ay nananatili pa ring aming pangunahing pamilihan ng pagluluwas. Noong taong 2007, 610 diesel motor ang nailuwas namin sa Biyetnam at para naman sa kasalukuyang taon, nagpaplano kaming gumawa ng biglaang pagsulong pagdating sa pagluluwas at ang iluluwas na bolyum ay inaasahang aabot sa 3000."

Nang analisahin ang dahilan ng pagtatamo ng tagumpay nito sa pamilihang Biyetnames, sinabi ng Yuchai Power Machinery na sa mula't mula pa, pinahahalagahan na ng kompanya ang pagpapabuti ng kalidad ng mga produkto at serbisyo nito para matugunan ang pangangailangan ng mga klyente. Kaugnay nito, ganito ang sinabi ni G. Ren Wenshan, kinatawan sa Biyetnam ng Yuchai Power Machinery.

"Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili, nananangan ang aming kompanya sa mataas na kalidad, siyentipikong pangangasiwa at kasiya-siyang serbisyo. Ito rin ang dahilan kung bakit mainit na tinatanggap sa Biyetnam ang aming diesel motor."