Hugis-balumbon ng katutubong pinturang Tsino ang sulo na 72 sentimetro ang taas at 985 gramo ang timbang. Ang itaas na bahagi nito ay ginagayakan ng dibuhong tinatawag na "masuwerteng ulap" at pula ang bahaging ibaba.
Ang 130 araw na paghahatid ng sulo ng Olimpiyada na may temang "may harmonyang biyahe" ay sisimulan sa Beijing sa huling araw ng Marso ng 2008 at babalik sa Beijing ang sulo sa ika-8 ng Agosto, araw ng pagbubukas ng Olimpiyada sa Beijing. Dadaan ang sulo sa 22 lunsod sa ibayong dagat at 113 lunsod at rehiyon ng Tsina at aakyatin nito ang Mt. Qomolangma, pinakamataas na tuktok sa daigdig.
|