|
Ang 31 taong gulang na si Huang Doudou ay isang bantog na mananayaw ng Tsina, napakalakas ng kanyang sayaw at sa gayo'y itinuring siyang mananayaw na puno ng pagka-lalaki. Ngayon, aktibo rin siya sa paglahok sa pagpo-promote ng Beijing Olympic Games sa ibayong dagat. Sa programang "Kultura ng Tsina" ng gabing ito, isasalaysay ko sa inyo ang hingil dito.
Para salubungin ang pagdaraos ng 2008 Beijing Olympic Games at ipakilala sa mga dayuhan ang sining ng Tsina, nagsimula noong nagkaraang buwan ang Ministri ng Kultura ng Tsina ng mahigit 6 na buwang mahalagang aktibidad na kultural at si Huang Doudou ay isang mahalagang aktor sa aktibidad na ito.
Noong bata pa siya, hindi gaano kaibig si Huang sa sayaw. Sinabi niyang:
"Noong bata pa ako, sa tingin ko na ang sayaw ay mas angkop sa babae at ang lalaki ay dapat maging isang sundalo. Sanhi ng aking pamilya nagi akong isang mananayaw. Sa palagay ko, dapat may pagkaka-laki ang isang lalaki. Bilang isang mananayaw na lalaki, ang sayaw ko ay dapat magpakita ng diwa ng pagkalalaki, kaya ini-uugnay ko ang sayaw sa wushu para ipakita ang lakas ng pagka-lalaki."
Mula 12 taong gulang hanggang 18, sistematikong nag-aral siya sa Shanghai Dance School. Sa panahong ito, nakuha niya ang medalyang ginto sa National "Tao Li Cup" Dancing Competition, isang mahalagang kompetisyon sa larangan ng sayaw ng Tsina. Pagkatapos, lagi siyang nakuha ang medalya sa mga kompetisyon.
Kasabay ng paglaki ng edad at pagdarami ng karanasan, mayroon siyang bagong pagkaunawa sa sayaw. Sinabi ni Huang na:
"Noong bata pa ako, basta't may kompetisyon kahit saan, lalahok ako. Sa kalauna'y nagbago ang isip ko. Mas gusto kong likhahin ang sariling sayaw para ipahayag ang aking kalooban at damdamin sa pamamagitan ng sayaw."
|