• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-30 17:52:55    
Hangarin ng sangkatauhan: mapapalaganap ang diwa ng Olimpiyada

CRI

"Nagkukusang-loob akong paglingkuran ang gaganaping Beijing Olimpiks at palaganapin ang diwa ng Olimpiyada."

Ito ay solemnang manipesto ng mga boluntaryo para sa ika-29 na Olympic Games sa okasyong 100 araw ang natitira bago buksan ang palaro ng sangkatauhan.

Napag-alamang bilang pagdiriwang sa 100-araw na countdown ng Beijing Olympics na natatapat ngayong araw, maraming aktibidad ang naidaraos sa Beijing, mga co-host cities at iba pang mga lugar ng Tsina.

Kaugnay nito, ganito ang koment ni G. Jin Yuanpu, dalubhasa mula sa Remin University of China.

"Sa tingin ko, bilang pagsasamantala ng okasyong ito, nagpapahayag ang sambayanang Tsino ng kanilang taos-pusong pagtanggap sa panauhin mula sa apat na sulok ng daigdig na lumahok sa gaganaping palaro ng sangkatauhan."

Nitong mahigit 100 taong nakalipas, ang makabagong Olimpiyada ay nagsisilbing plataporma ng pagpapalitan ng iba't ibang bansa, iba't ibang lahi, iba't ibang pananampalataya at iba't ibang kultura. Ang Olimpiks ay hindi lamang isang pagtitipun-tipon ng mga manlalaro ng iba't ibang bansa, dala rin nito ang komong pangarap at hangarin ng sangkatauhan para sa kapayapaan at kaunlaran ng buong mundo. Dahil dito, parami nang paraming pamahalaan at tao ay nagpahayag ng kanilang buong-tatag na pagkatig sa gaganaping pandaigdigang palaro.

Habang naglalakbay sa limang kontinente ng mundo ang sulo ng Beijing Olympics, muling napapalaganap din ang diwa ng Olimpiyada na nagtatampok sa kapayapaan, pagkakaibigan at progreso.

Bilang isang torchbearer ng 2008 Beijing Olympics, ganito ang sinabi ni Shuzo Matsuoka, kilalang tennis player mula sa Hapon.

"Tulad ng ipinakikita ng kasalukuyang paghahatid ng sulo na 'may harmonyang biyahe', umaasa rin akong maisasakatuparan ang tunay na harmonya sa buong mundo. Bilang torchbearer ng gaganaping Beijing Olympics, naghahangad at nagdarasal akong mapayapang idaos at magtagumpay ang palaro."

Ipinahayag din ni G. Ree Zong Seg, pangalawang puno ng Pambansang Lupon ng Olimpiks ng Hilagang Korea ang kanyang pagbati. Sinabi niya na:

"Sa ngalan ng mga mamamayan ng Hilagang Korea, umaasa akong magiging matagumpay ang Beijing Olympics. Ang aming hangarin at pagbati ay parang nagliliyab na sulo at tiyak na ipapaabot ito sa Beijing."

Tulad ng tema ng Beijing Olympics na "isang mundo, isang pangarap", ang gaganaping palaro ay maglalatag ng plataporma para sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Bilang punong-abala, nananangan ang Tsina sa pagpaparaya at pagbubukas para maihandog sa buong daigdig ang isang maluwalhating Olimpiyada. Handang handa na ang Beijing at taos-pusong nag-aanyaya ito sa lahat ng mga panauhin mula sa buong mundo na dumalo sa palaro ng sangkatauhan.