• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-05 14:24:30    
Mula isang taong kalahok sa Olimpik hanggang 1.3 bilyong taong kasangkot sa Olimpik

CRI
Ngayon, pumunta si Liu Hongliang sa Greece, pinagmulan ng Olimpiyada, para ihatid ang Olympic flame, buong damdaming sinabi niyang:

"Gusto kong sabihin sa tatay ko: pumarito na ang anak mo at natupad na ang inyong pangarap, at nawa'y mamanatag ang kalooban mo."

Sinabi ni Liu na ang pinakamalaking hangarin ng kanyang tatay sa buong buhay ay pagdaraos ng Olympic Games sa Tsina. Noong panahong iyon, mag-isang lumahok si Liu Changchun sa Olimpik, talagang namamangalaw. Ngayon, buong 1.3 bilyong mamamayang Tsino ang nagsisilbing pundasyon sa pagdaraos ng Beijing Olympic Games. Ang malaking pagkakaiba ay tumitimo sa puso ni Liu Hongliang, sinabi niyang:

"Ngayon, buong 1.3 bilyong tao ang gumagawa ng paghahanda para sa pagdaraos ng Olympic Games. Napakalaki ng pagkakaiba. Ito ay mahalagang palatandaan ng kasaganaan ng ating bansa, at ito rin ang isang mahalagang hakbang natin sa paglahok sa komunidad ng daigdig. Napakahalaga ito para sa atin."

Noong ika-24 ng Marso, pinasimulan ng pagsisindi ng Xiang Yun Torch ang pambungad ng 2008 Beijing Olympic Games, itinaas ang holy fire ni Olympic Torchbearer Liu Hongliang at nagsimula sa kanya at hinahangad na niyang tatay na 200 metrong itong biyahe ng paghahatid ng sulo.

Maikli ang 200 metro dahil ilang minuto lamang ang kinakailangan. Mahaba rin ang itong 200 metrong biyahe dahil mula noong 1908, hinahangad na ng mga Tsino ang pagdaraos ng Olympic Games sa Tsina at ngayon natupad ang hangaring ito. Saandaang taong lumakad ang Tsina para tuparin ang pangarap nito.