• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-13 20:35:36    
Tsina, pinapasulong ang pagkontrol sa paninigarilyo

CRI

Ang panganib ng tabako ay isa sa mga pinakagrabeng problema ng kalusugang pampubliko. Ayon sa estatisdika ng World Health Organization o WHO, may mga 1.3 bilyong manghihitit sa buong daigdig at bawat taon, mga 5 milyong tao ay namamatay ang mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo.

Ngayong araw ay ika-3 taong nagkabisa sa Tsina ang Framework Convention on Tobacco Control o FCTC, at ang pagpapasulong ng pagpapatupad ng convention na ito at konstruksyon ng kakayahan ng pagkontrol sa paninigarilyo sa internet ay nakapahalagang gawain ng Tsina sa kasalukuyang taon.

Isinalaysay ni Jiang Heng, isang puno ng Chinese Center Disease Control and Prevention, na itinatag na ng Tsina ang kompletong mekanismo para matupad ang convention na ito at isinagawa na nila ang isang serye ng hakbangin. Sinabi niyang:

"Lumahok ang 8 ministri sa mekanismong ito. Sinususugan ngayon ang maraming tadhanang may kinalaman sa pagkontrol sa paninigarilyo na kinabibilangan ng mga regulasyon ng pangangasiwa sa kalusugang pampubliko at advertisement ng tabako. Para kontrolin ang tabako at mapasulong ang kakayahan ng pagkontrol sa paninigarilyo sa internet, inilaan na noong nakaraang dalawang taon ng pamahalaan ang espesyal na pondo para rito."

May mahigit na 100 araw hanggang sa pagdaraos ng 2008 Beijing Olympic Games, ipinangako na ng pamahalaang Tsino sa International Olympic Committee na idaos ang isang "smoke-free" Olympics at isinagawa na sa mga may kinalamang lunsod ang aksyong pagpigil ng paninigarilyo. At ngayon, mas mabuti na ang kapaligiran ng pagpigil ng paninigarilyo sa lipunan. Ipinahayag ng mga dalubhasa na ang pagdaraos ng Beijing Olympic Games ay pagsimula lamang ng pagpigil ng Tsina ng paninigarilyo, at ipagpapatuloy pa ito.