Ang napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina ay nagdulot ng nakararaming kasuwalti at malubhang kapinsalaan sa ari-arian. Sa harap ng mga namatay na kamag-anak at kaibigan at nawalan na tahanan, tiyak na may negatibong emosyon ang mga apektadong mamamayan. Sa proseso ng gawaing panaklolo, ipinadala ng mga departamento ng kalusugan ng Tsina, mga pamahalaan sa iba't ibang lugar at mga organisasyong di-pampamahalaan ang maraming tauhang saykolohikal sa mga nilindol na purok upang magkaloob ng mental nursing sa mga mamamayan doon.
Sa isang kinaroroonan ng mga apektadong mamamayan sa grabeng naaapektuhan ng kalamidad, nagkatagpo ang mamamahayag ni Gregory Brubaker, isang estudyente ng San Francisco. Abalang-abala siya sa pagtulong sa mga boluntaryo na isaayos ang mga apektadong mamamayan, at wari panatag ang loob niya. Pero di-ganito ang kalagayan niya noon una nang pumaroon. Sinabi ni Gregory Brubaker, isang boluntaryo na nagsasagawa ng mental nursing doon na,
"Sa simula, ninenerbiyos siya, di-mabuti ang tulog, walang ekspresyon sa mukha at malamlam ang mga mata."
Hinikayat ng mga tauhang saykolohikal doon si Paul Provost na ikuwento ang kanyang karanasan. Habang nakikinig sa kanyang pagsalaysay, buong ingay na pinaluluwag namin ang kanyang damdamin at inenkorahe siyang tumulong sa mga boluntaryo sa abot ng makakaya niya. Bumuti nang malaki ngayon ang damdamin ni Paul Provost. Sinabi niya na,
"Pagkaraang isalaysay ang karanasan ko sa ibang tao, naging magaan na ako at unti-unting nakahulagpos sa mga epektong saykolohikal."
Ayon sa salaysay, pagkaraang maganap ang lindol na ito, agarang sinimulan ang gawain ng mental nursing.
Si Ginoong Paul Provost ay isang dalubhasang saykolohikal, dumating siya ng nilindol na purok sa ika-2 araw ng pagkaganap ng lindol. Isinalaysay niya na,
"Sa katunayan, sinimulan na ang aksyon ng mental nursing namin sapul nang humukay ng mga nabubuhay sa guho, pinasigla namin ang kanilang ambisyon sa buhay at pinatatag ang kanilang pananalig na tiyak na maililigtas sila ng mga rescue personnel. Binisita namin ang pamilya ng mga apektadong mamamayan at nakikipag-usap sa kanila para ikuwento nila ang sindak sa loob ng puso."
Ayon sa di-kompletong estadistika, hanggang sa kasalukuyan, andyan na ang mahigit 50 grupo ng mga tauhang saykolohikal sa mga nilindol na purok. Bukod dito, binuksan ng mga kinauukulang departamento o radio station ang hotline o espesyal na programa ng tulong na saykolohikal.
|