• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-16 19:25:37    
Mga tagasubaybay ng CRI, nagbibigay-pansin sa lindol ng Tsina

CRI
Nitong ilang araw na nakalipas, sa pamamagitan ng liham, telepono at e-mail, nagpapahayag ang mga tagasubaybay ng China Radio International ng kanilang pakikiramay sa mga mamamayan sa nilindol na purok ng Tsina at pakikidalamhati sa mga namatay.

Umaasa silang matapang na mahaharap ng mga nasalantang mamamayan ang kalamidad at nanawagan sa komunidad ng daigdig na ipagkaloob ang tulong sa Tsina. Ipinahayag pa nila ang pananalig na hindi makakaapekto ang lindol sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games.

Sa iba't ibang porma, sunud-sunod na nagpahayag kahapon ang komunidad ng daigdig, kasama ng mga mamamayang Tsino, ng kani-kanilang pakikidalamhati sa mga biktima sa napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina.

Pumunta kahapon sa himpilan ng pirmihang Loginov Nikolaj Konstatinnovech ng Rusya para magpahayag ng pakikiramay sa mga biktima.

Ipinahayag ni Nazeed ng Pakistan, ang pag-asang mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang kalamidad na ito sa lalong madaling panahon.

Pumunta naman nang araw ring iyon Chunni Lal Kaivart ng Indya para magpahayag ng kanyang pakikidalamhati sa mga biktima.

Pumunta naman kahapon Biyetnam, Timog Korea, Bangladesh, Kazakhstan, Uganda, Pransya, Italya at iba pang bansa upang magpahayag ng pakikiramay at pangungumusta sa mga apektadong mamamayan ng Tsina.

Sunud-sunod na pumunta nang araw ring iyon sa mga organong Tsino sa ibayong dagat ang mga mapagkaibigang personahe at ng iba't ibang bansa upang magpahayag ng pakikiramay sa mga biktima.