• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-16 19:47:54    
Yue Liuhui, isang matigas na babae sa nilindol na purok

CRI
Sa kasalukuyan, nagsisikap ang buong Tsina para iligtas ang mga apektadong mamamayan sa kalamidad ng lindol na naganap noong ika-12 ng kasalukuyang buwan sa lalawigang Sichuan. Noong alas-10 ng umaga ng ika-15 nito, natuklasan ng mga rescue personnel ang isang nabubuhay sa guho ng pamilihan ng Hehuachi sa lunsod Dujiangyan ng Sichuan at noong panahong iyon, nakulong siya nang mahigit 70 oras doon.

Ang 22 taong gulang na si Yue Liuhui ay nagtatrabaho bilang sekretarya sa isang organo ng pamahalaang lokal. Nang maganap ang malakas na lindol, sumama siya sa isang katrabaho para maligo, sa iglap na luminsan sila, malakas na yumanig ang gusali at gumuho agad, nakabaon sila nang malalim sa guho. Pagkatapos ng malakas na lindol, sinabi ni Yue sa kaniyang katrabaho na huwag matakot, tiyak na maydarating na tao para iligtas sila.

Kasunod ng paglipas ng mga oras, sa isang banda, walang humpay na pinasigla ni Yue ang kaniyang katrabaho at sa kabilang banda naman, tahimik na hinintay sa kadiliman para maingat na makinig ng kung may mga tagapagligtas sa labas ng guho. Sa simula, magsalita ang kaniyang katrabaho, datapuwa't kasunod ng paglipas ng mga oras, unti-unting walang kibo na kaniyang katrabaho.

Ang mga rescue worker ay nagsagawa na nang 3 araw na paghahanap sa Pamilihan ng Hehuachi at hindi sila nakatuklas ng aktuwal na kinaroroonan ni Yue. Tama-tamang sa sandali ng pagtakwil nila ng pag-asa sa paghahanap, biglang narinig ang tinig ng paghingi ng tulong ni Yue at sa panahong iyon, si Yue ay nakabaon na sa guho nang mahigit 70 oras. Sa proseso ng pagliligtas, sinabi ni Yue sa mga rescue personnel na,

"Naniniwala akong tiyak na ililigtas ako ninyo. Kung maririnig kong may taong nagsasalita sa labas, sumigaw ako ng "saklolo", kung walang tinig, namahinga ako para mapanatili ang lakas. Nang madama kong uhaw at gutom, nagtitiis ako."

Walang tigil na henunta siya ng mga rescue personnel, upang mapanatag ang damdamin ni Yue. Nagpakita rin si Yue ng lakas ng loob, sinabi niya sa guho na hindi siyang lumuha sapul nang maganap ang kalamidad ng lindol. Sinabi niyang,

"Namumuhay ako, masaya ako at umaasang huwag kayong kinakabahan. Maaari kong pangalagaan ang aking sarili sa loob ng guho. Salamat sa inyong pagligtas sa akin."

Sumaksi ang nanay at tiya ni Yue sa buong proseso ng pagliligtas kay Yue. Nang malaman ng kaniyang nanay at tiya ay nasa lugar na pinangyarihan, ikinababahala sila ni Yue, sinabi niya na,

"Narito ang aking nanay? Hindi kong gustong alamin ng aking nanay."

Pagkaraan ng mahigit 6 na oras na pagsisikap, matagumpay na iniligtas si Yue dakong alas-4 ng hapon, datapuwa't nawalan ng buhay ang kaniyang kasama.

Sa ambulensiya, ang mga doktor ay nagbigay sa kaniya ng inisiyal na pagsusuri, maliwanag ang malay ni Yue at normal ang kaniyang pulso. Nang makita si Yue sa istretser, umiyak ang kaniyang nanay.

"Mahal kong anak, ligtas na kayo, Gayon na lamang ang nais kong makita ka, tuwang-tuwa ako."

Sa kasalukuyan, isinugod si Yue sa ospital. Tinasahan ng isang dalubhasa sa relief work ng Tsina na napakaganda ng lagay na saykolohikal ni Yue at ito ay nagbibigay ng malaking pananalig sa mga rescue personnel.