• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-19 18:32:10    
Panig militar ng Tsina, puspusang nagsasagawa ng pagliligtas sa mga nilindol na lugar

CRI

Pagganap ng lindol sa Lalawigang Sichuan, agarang nakilahok sa mga gawaing panaklolo ang panig militar ng Tsina. Bilang pangunahing lakas sa pagliligtas, mahigit 110 libong kawal at armadong pulis na Tsino ang naroroon sa mga nilindol na lugar. Sinabi kahapon ng panig militar ng Tsina na patuloy na buong-sikap na ililigtas ng mga grupong panaklolo ang mga nakulong na kababayang Tsino at makikilahok sa pagbibigay-tulong sa mga nabiktima na muling itayo ang kanilang tahanan.

Narito ang mga detalye hinggil dito.

Noong ika-12 ng buwang ito, pagkaraang yanigin ng lindol na may lakas na 8 sa Richter Scale, naputol ang transportasyon, suplay ng koryente at telekomunikasyon ng mga apektadong lugar. Kasabay nito, dahil sa landslide na dulot ng lindol, masungit na panahon at paulit-ulit na aftershock, nahirapan ang mga gawain ng pagliligtas. Gayunpaman, nagpadala ang panig militar ng Tsina ng maraming sundalo patungo sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar. 14 minuto lamang pagkaraang maganap ang lindol, nagtungo sa apektadong lugar ang unang grupong panaklolo ng panig militar ng Tsina.

Kaugnay nito, ganito ang isinalaysay ni Senior Colonel Hu Changming, tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang-bansa ng Tsina sa isang preskon kahapon.

"Ang pinakapriyoridad ng aming misyon ang pagliligtas sa mga nakabaong kababayang Tsino at hindi kailanman magtatakwil kami ng pagpupunyagi kahit gaano kaliit ang pag-asa. Halimbawa, pagkaraan ng 21 oras na paglakad ng 90 kilometro, 200 advance armadong pulis ang nakarating sa Wenchuan County, epicenter noong gabi ng ika-13 ng buwang ito. Sa kabila ng masungit na panahon, matagumpay na nakapagparakaida sa mga pinakagrabeng nilindol na lugar ang grupong panaklolo mula sa hukbong panghimpapawid ng Tsina. Ang isang grupong panaklolo ng mga kawal naman ay walang-humpay na nagsisikap ng 40 oras at salamat sa kanila, isang 11 taong gulang na batang babae ang nailigtas mula sa guho. Nagaganap araw-araw ang ganitong makaantig-damdamin na pangyayari sa mga nasalantang lugar."

Sinabi pa ng tagapagsalitang Tsino na hanggang alas-4 kahapon ng hapon, lampas sa 110 libo ang bilang ng mga kawal at armadong pulis na Tsino na naroroon sa mga apektadong lugar at nagsasagawa ng mga gawaing pagliligtas. Bukod dito, nagpadala rin ang panig militar ng mga military helicopter sa paghuhulog ng mga materyal na panaklolo sa mga nasalantang lugar at nagsugod ng mga sugatan sa mga ospital. Ang mga grupong medikal mula sa panig militar ay nandoon din sa mga nilindol na lugar para sa pagsasagawa ng mga gawaing pagliligtas. Ang mga medisina at kagamitang medikal ay naihatid din ng panig militar sa mga apektadong lugar.

Upang mapataas ang episyensya ng pagliligtas, buong-liwanag na itinakda ng panig militar ang tungkulin ng iba't ibang grupong panaklolo at ginagamit din nila ang mga sulong na kagamitan na tulad ng satellite at malaking makinarya. Kaugnay nito, Ganito ang sinabi ni Senior Colonel Ma Gaihe mula sa General Armament Department ng People's Liberation Army o PLA ng Tsina.

"Upang mailigtas ang higit pang maraming nalilibing na kababayan, nananangan kami sa paggamit ng mga sulong na kagamitan na tulad ng radar, life detector, satellite at iba pa. Kasabay nito, nagpadala rin kami ng mga propesyonal na grupong panaklolo sa mga nasalantang lugar."

Kahit lampas na sa 72 oras na itinuturing na pinakakritikal na panahon ng pagliligtas, patuloy sa pagsasagawa ng gawaing panaklolo ang mga kawal at armadong pulis na Tsino.