• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-21 16:55:23    
Tsina, nagsagawa ng komprehensibong pagdi-disimpekta sa mga nilindol na purok sa Sichuan

CRI

Sa kasalukuyan, abalang-abala pa rin ang mga rescue personnel sa paghahanap at pagliligtas ng mga nabubuhay sa mga nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, kasabay nito'y komprehensibong isinasagawa ang gawain ng pagpigil sa pagsiklab ng epidemiya. Ayon sa estadistika, umabot na sa ilang libo ang bilang ng mga propesyonal na tauhang nagsasagawa ng pagdi-disimpekta at pagpigil sa posibleng maganap na epidemiya sa 12 county at lunsod na grabeng naaapektuhan ng kalamidad. Salamat sa kanilang pagsisikap, hanggang sa kasalukuyan, walang naiulat na malubhang epidemiya ng nakahahawang sakit at biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko sa mga nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan.

Sa Beichuan County na grabeng naaapektuhan ng kalamidad, walang tigil na nagsasabog araw-araw ang mga tauhang pangkalusugan ng disinfectant sa iba't ibang sulok ng county. Si Ginoong Feng Yang ay isang tauhang medikal ng Mianyang, naroroon siya sa Beichuan mula noong ika-13 ng buwang ito at nagtatrabaho nang mahigit 12 oras singkad bawat araw. Sinabi niya na,

"Nagtatrabaho kami mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon para sa pag-di-dis-impekta at tumulog nang 5 hanggang 6 na oras lamang bawat araw. Kompleto ang pasilidad namin at napakahusay ng mga hakbangin para mapangalagan ang sarili."

Napag-alaman, sa kasalukuyan, mahigit 100 tauhan ng pagpigil sa epidemiya ang nagtatrabaho sa Beichuan County, bukod sa mga tauhan sa lokalidad, mga iba pa ang galing sa Lalawigang Jiangsu, Beijing at iba pang lugar. Ipinadala naman ang isang anti-chemical troop ng Tsina upang mapataas ang episiyensiya ng pagdi-dis-impekta sa pamamagitan ng propesyonal na pasilidad.

Ipinahayag ni Hu Yong, namamahalang tauhan ng Sentro ng Pagkontrol sa Sakit ng Mianyang na natamo ng pagdi-disimpekta at pagpigil sa epidemiya sa Beichuan County ang maliwanag na bunga.

"Isinagawa namin ang mabisang hakbangin para sa siyentipikong pagpigil sa pagsiklab ng epidemiya at natamo ang mainam na bunga. Kung pabubutihin ang gawain ng pagdi-disimpekta, makakamit ang mainam na bunga."

Ayon sa salaysay, isinasagawa naman ngayon sa Wenchuan, Qingchuan at iba pang county na grabeng naaapektuhan ng lindol ang ganitong hakbangin upang mapigilan ng pagganap ng epidemiya.

Isiniwalat ni Hu Yong, namamahalang tauhan ng nabanggit na sentro na ayon sa plano sa pagpigil sa epidemiya na itinakda ng departamento ng kalusugan, pagkatapos ng gawaing panaklolo, ipagpapatuloy nila ang gawaing ito sa lokalidad. Sinabi niya na,

"Pagkaraang iurong ang lahat ng mga rescue personnel, dapat magdisimpekta sa kapaligiran, magmonitor sa kalidad ng tubig at tratuhin ang mga bangkay, at kaming nababahala sa pagkontrol sa sakit ay dapat umurong sa pinakahuling yugto.

Nang kapanayamin ngayong araw ng mamamahayag ng CRI, ipinahayag ni Mao Qun'an, tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina na sa kasalukuyan, may halos 40 libong tauhang medikal lahat-lahat sa mga nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan, at walang naiulat na malubhang epidemiya ng nakahahawang sakit at biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko doon. Upang mapigilan ang nakatagong panganib, daragdagan ng kanyang ministri ang tauhan sa mga lugar na ito upang mapalakas ang pagpigil sa posibleng pagganap ng epidemiya pagkaraan ng kalamidad. Sinabi niya na,

"Sa loob ng darating na 5 araw, ipapadala pa ng Ministri ng Kalusugan ang 2500 medikal na tauhan para maglingkod sa lahat ng mga nilindol na purok. Bukod dito, palalakasin namin ang pangkagipitang pagsuplay ng mga materyal na pangkalusugan sa unang prente."