Ang napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina ay nagdulot ng nakararaming kasuwalti at malubhang kapinsalaan sa ari-arian. Sa harap ng mga namatay na kamag-anak at kaibigan at nawalan na tahanan, tiyak na may negatibong emosyon ang mga apektadong mamamayan. Sa proseso ng gawaing panaklolo, ipinadala ng mga departamento ng kalusugan ng Tsina, mga pamahalaan sa iba't ibang lugar at mga organisasyong di-pampamahalaan ang maraming tauhang saykolohikal sa mga nilindol na purok upang magkaloob ng mental nursing sa mga mamamayan doon.
Sa isang kinaroroonan ng mga apektadong mamamayan sa Beichuan County na grabeng naaapektuhan ng kalamidad, nagkatagpo ang mamamahayag ni Liu Kai, isang estudyente ng Beichuan Middle School. Abalang-abala siya sa pagtulong sa mga boluntaryo na isaayos ang mga apektadong mamamayan, at wari panatag ang loob niya. Pero di-ganito ang kalagayan niya noon una nang pumaroon. Sinabi ni Liu Qiang, isang boluntaryo na nagsasagawa ng mental nursing doon na,
"Sa simula, ninenerbiyos siya, di-mabuti ang tulog, walang ekspresyon sa mukha at malamlam ang mga mata."
Hinikayat ng mga tauhang saykolohikal doon si Liu Kai na ikuwento ang kanyang karanasan. Habang nakikinig sa kanyang pagsalaysay, buong ingay na pinaluluwag namin ang kanyang damdamin at inenkorahe siyang tumulong sa mga boluntaryo sa abot ng makakaya niya. Bumuti nang malaki ngayon ang damdamin ni Liu Kai. Sinabi niya na,
"Pagkaraang isalaysay ang karanasan ko sa ibang tao, naging magaan na ako at unti-unting nakahulagpos sa mga epektong saykolohikal."
Ayon sa salaysay, pagkaraang maganap ang lindol na ito, agarang sinimulan ang gawain ng mental nursing.
Si Ginoong Feng Zhengzhi ay isang dalubhasang saykolohikal ng Third Military Medical University of People's Liberation Army. Bilang miyembro ng rescue team na militar, dumating siya ng nilindol na purok sa ika-2 araw ng pagkaganap ng lindol. Isinalaysay niya na,
"Sa katunayan, sinimulan na ang aksyon ng mental nursing namin sapul nang humukay ng mga nabubuhay sa guho, pinasigla namin ang kanilang ambisyon sa buhay at pinatatag ang kanilang pananalig na tiyak na maililigtas sila ng mga rescue personnel. Binisita namin ang pamilya ng mga apektadong mamamayan at nakikipag-usap sa kanila para ikuwento nila ang sindak sa loob ng puso."
Ayon sa di-kompletong estadistika, hanggang sa kasalukuyan, andyan na ang mahigit 50 grupo ng mga tauhang saykolohikal sa mga nilindol na purok. Bukod dito, binuksan ng mga kinauukulang departamento o radio station ang hotline o espesyal na programa ng tulong na saykolohikal.
Bukod sa mga kamag-anakan ng mga nasawi, mga nabubuhay at bata, lumalawak ang saklaw ng mental nursing sa apektadong lugar. Nakahanda si Ginoong Ao Jianzhong, propesor ng Beijing Normal University na mamuno sa isang grupo ng tauhang saykolohikal papuntang mga nilindol na purok para isagawa ang mental nursing. Sinabi niya na,
"Bukod sa mga apektadong mamamayan, nangangailangan naman ng mental nursing ang mga boluntaryo, sundalo, tauhang medikal at mamamahayag sa mga nasalantang purok, dahil napakalaki ng presyur nila."
Ayon sa salaysay ng dalubhasa, sa loob ng 7 araw hanggang 3 buwan pagkaraang maganap ang kalamidad, madaling lumitaw ang iba't ibang negatibong emosyon sa mga mamamayan, kaya kailangang-kailangan para sa mga nilindol na purok ang nakararaming dalubhasang saykolohikal at boluntaryo.
|