• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-23 18:43:27    
Pag-ibig, nagtitipun-tipon sa nilindol na Sichuan

CRI

Ang mga nilindol na purok ay nakakapukaw ng damdamin ng mga tao. Pagkaganap ng kalamidad, maraming kababayang Tsino ang agarang nagtungo na sa mga sinalantang pook para mabigyan ng tulong, sa abot ng makakaya, ang mga nabiktima ng lindol. Salamat sa ibinubuhos na kagandahang-loob mula sa apat na sulok ng Tsina at buong daigdig, buong katapangang nahaharap sa kahirapan ang mga apektadong mamamayan.

Si Wang Hao ay isang karaniwang estudyante mula sa Chengdu Polytechnic University. Nang makita siya at ang kanyang mga kaklase ng mamamayag sa Zundao, isa sa mga pinakagrabeng apektadong lugar, abalang abala sila sa pamamahagi ng mga materyal na panaklolo sa mga nabiktima ng lindol. Mukhang pagod sila kasi ilang araw na singkad hindi sila nakapagpapahinga. Gayunpaman, nagpupumilit pa sila. Ganito ang sinabi ni Wang.

"Sana sa pamamagitan ng ibinibigay na tulong ng mga boluntaryo na tulad namin, nararamdaman ng mga apektadong kababayan na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa kalamidad na ito."

Sa paaralang elementarya naman sa Zundao County, nakatagpo ng mamamahayag ang isang grupong panaklolo na binubuo ng mga elektrisyan. Galing sila sa Hunan, isa sa mga lalawigan na natamaan ng napakalakas na niyebe pagpasok ng taong ito. Mahigit isang linggo na na nananatili sila sa apektadong lugar at ganito ang sinabi ng isa sa kanila na si G. Liu.

"Gusto naming sabihin sa mga nabiktima ng lindol na tulad ng aming pakikibaka sa kapahamakang dulot ng napakalakas na niyebe, sa pagpupunyagi ng sambayanang Tsino, tiyak na muling maitatayo ang tahanan."

Si Chen Yu naman ay kasapi ng isang klub ng jeep ng Chengdu, Sichuan. Pagkaraang maganap ang lindol, nagpaparoo't parito na si Chen at ang kanyang club member sa iba't ibang nilindol na lugar at naghahatid ng mga materyal na panaklolo at mga nasugatan sa lindol sa pamamagitan ng sarili nilang jeep. Kasama kina Chen Yu ang mga tsuper ng taksi. Ganito ang sinabi ng isa sa kanila na si G. Zhuang Wenquan na galing din sa Chengdu.

"Nang marinig ko ang balitang may naganap na lindol at maraming nasugatan ang kailangang isugod sa ospital, agarang nagmaneho kami ng mga tsuper ng taksi patungo sa malapit na nilindol na lugar."

Si Gng. Wang Xiaoping naman ay isang nars mula sa ospital sa ilalim ng Second Military Medical University. Ganito ang sinabi niya.

"Bilang isang kawal, sa panahong nahihirapan ang bansa at ang mga kababayan, di-maipagkakait na tungkulin ko ang pagtungo sa mga nasalantang lugar. Suportadong suportado ako ng aking mga kapamilya."

Salamat sa kabutihang loob at tulong mula sa iba't ibang panig, buong lakas-loob na sumusuong ang sambayang Tsino sa kalamidad na ito.