• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-23 19:29:05    
Tsina, buong-lakas na naiigarantiya ang suplay sa mga nilindol na lugar

CRI
Sa news briefing kahapon ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ni Chen Deming, Ministro ng komersyo na pagkaraang maganap ang lindol sa Sichuan, agarang nagsimula ang kanyang ministri ng unang antas na mekanismo para maharap sa kalamidad na ito. Sinabi niya na:

"Una, pinagtitipun-tipon namin ang mga materyal na panaklolo at mga pang-araw-araw na gamit mula sa buong bansa para mabigyan ang sapat na suplay sa Sichuan; ika-2, agarang pinapanumbalik din namin ang operasyon mga tindahan at pamilihan sa mga apektadong lugar. Hanggang ngayong umaga, mahigit 17 libong tindahan at pamilihan sa apektadong lugar na kinabibilangan ng Lalawigang Sichuan, Gansu at Munisipalidad ng Chongqing ang muling nabuksan. Ayon sa plano, mapanumbalik namin ang negosyo ng lahat ng tindahan at pamilihan sa mga sinalantang lugar bago magtapos ang kasalukuyang buwan."

Sinabi ni Chen na ang kasalukuyang priyoridad ay maghawan ng tsanel ng distribusyon para maihatid ang pinakakinakailangang metaryal at paninda sa mga pinakamahirap apektadong mamamayan sa kanayunan.

Tinatanggap din ng Ministri ng Komersyo ang mga ibinibigay na tulong mula sa daigdig. Kaugnay nito, ganito ang inilahd ni Zhang Kening, isang may kinalamang opisyal ng nasabing ministri.

"Sa sandaling naganap ang lindol, ipinaalam na namin ang mga kinauukulang impormasyon sa iba't ibang may kinalamang panig na dayuhan. Noong ika-13 ng buwang ito, ikalawang-araw sapul nang maganap ang lindol, nagsimula nang tumanggap kami ng abuloy na pondo mula sa mga panig na dayuhan."

Aniya pa, sa ginagawang rekonstruksyon sa mga nilindol na pook , patuloy sa pakikipag-ugnayan ang Tsina sa mga panig na dayuhan.

Sa preskon, sinabi rin ni ministrong Chen na:

"Totoo, ang lalawigang Sichuan ay mahalagang base ng produksyon ng butil, karne at mantika ng Tsina, nguni't ang mga pangunahing apektadong lugar ay nasa bulubunduking hilagang dako ng Sichuan kaya, limitado lamang ang idinulot na epekto ng lindol sa buong pamilihang panloob ng Tsina."

Idinugtong niyang hindi apektado sa kabuuan ng lindol ang pagluluwas ng Tsina.