• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-26 18:08:06    
Tsina, isinagawa ang hakbangin para pigilin ang secondary diseaster na dulot ng lindol

CRI
Sa kasalukuyan, abalang-abala ang Tsina sa pagsasagawa ng mga gawaing panaklolo. Kasabay ng pag-aaregla ng mga mamamayan at rekonstruksyon sa nilindol na purokl, ang pagpigil sa secondary diseaster na dulot ng lindol, espesyal sa posibleng kapinsalaan na dulot ng sinirang pasilidad na patubig at mga quake lake ay naging pokus ng iba't ibang sirkulo. Sa news briefing na idinaos kahapon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ng kinauukulang opisyal na hinggil dito, isinagawa na nag Tsina ang isang serye ng hakbangin at itinakda ang kinauukulang plano para iagarantiya ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

Ang Secondary diseaster na dulot ng lindol ay kinabibilangan ng pagkalat ng epidemiya, baha at iba pa. pagkatapos ng napakalakas na lindol sa Sichuan, pinalakas ng Tsina ang gawaing pangkalusugan at ang pag-iwas sa salot. Hanggang sa kasalukuyan sa mga nilindol na purok , walang naganap na grabeng epidemiya at insidenteng pangkapaligiran. Ngunit, sinira ng lindol ang ilang pasilidad ng patubig at ang mga quake lake, bagay na nagsasapanganib sa ibabang bahagi ng ilog.

Sa naturang news briefing, idinaos ni E Jingping, pangalawang ministro ng water resources ng Tsina na hanggang 8:00 kahapon, may natuklasang nakatagong panganib sa mahigit 2000 reservoir at ang 70% nito ay nasa loob ng lalawigang Sichuan. Sinabi niyang buong higpit na sinusubaybayan ng ministri ng water resources ang lagay ng mga reservoir nito.

(sound 1)

"iniorganisa ng ministri ng water resources ng Tsina ang mga dalubhsa para pag-aralan ang paraan sa pagharap sa kinakaharap na napakalaking panganib ng ilang reservoir at pinababa ang lebel ng tubig o pinatuyo ang mga ito."

Bukod sa paggarantiya ng kaligtasan ng mga reservoir ang mga quake lake ay isa pang pokus. Ang quake lake ay bumuo pagkaraan ng lindol at ito ay malimit na magdulot ng baha. Ayon sa impormasyon, pagkatapos ng napakalakas na lindol sa Sichuan, nabuo ang mahigit 30 quake lake sa mga nilindol na purok sa Sichuan na nagsasapanganib sa kaligatsan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa ibabang bahagi ng ilog.

Ipinahayag ni E na pagkatapos ng lindol, pangkagipitang iniorganisa ng Ministri ng water resources ng Tsina ang mga dalubhasa para tasahan ang lahat ng mga quake lake. Sinabi niyang:

(sound 2)

"sa lahat ng mga quake lake na nagsasapanganib sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa ibabang bahagi, itinatag na namin ang mga estasyon ng pamgamanman at itinakda ang plano ng paglilipat ng mga mamamayan. Isinagawa rin namin ang mga ibang hakbangin para rito."

Ipinahayag niyang sa lahat ng mga quake lake, ang Tang Jiashan quake lake na malapit sa epicentre ay pinakamapanganib. Masyadong masalimuot ang lagay na heolohikal nito at malubha ang kalagayan. Sinabi ni E na sa kasalukuyan, abalang-abala sila sa iba't ibang paghahanda para alisin ang panganib sa Tang Jiashan quake lake.

Si Liu Ning ay punong inhenyero ng ministri ng water resources ng Tsina, sinabi niyang:

(sound 3)

"aktibong itinakda ng lokal na pamahalaan ang plano ng paglilipat ng mga mamamayan sa ibabang bahagi at iba pang hakbangin na naglalayong igarantiya ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan."

Ayon sa ulat, ang isang propersyonal na grupo ng Armed Police Force ay dumating ngayong madaling araw sa Tang Jiashan quake lake at agarang sinimulan ang pagsasagawa ng pangkagipitang tungkulin.

Salin:Sarah