• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-27 19:26:28    
Pagsasaayos sa mga apektadong mamamayan sa Dujiangyang, maayos na isinasagawa

CRI

Hanggang kahapon, di-mabilang pabahay ang nawasak sa napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina at mahigit 45 milyong tao lahat-lahat ang naapektuhan. Sa kasalukuyan, pumasok na sa yugto ng pagsasaayos sa mga apektadong mamamayan at pagpapanumbalik ng produksyo't pamumuhay ang gawaing panaklolo. Bumisita kamakaialan ang mamamahayag sa mga lugar na mapapanuluyan ng mga apektadong mamamayan sa Dujiangyan na grabeng naaapektuhan ng kalamidad upang malaman ang kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad,

Sa isang malawakang lupa sa tabi ng second ring road ng Dujiangyan, nakatayo nang maayos ang hile-hilerang asul na toldang mapapanuluyan ng mga apektadong mamamayan na tinatawag na "masiglang tahanan". Maaaring maglaman ang tahanang ito ng 2 libong tao, at may kantina, banyo, palikuran at iba pang instalasyong pampubliko sa pamumuhay, at nakita rin ninyo ang paaralan, istasyong medikal doon. Isinalaysay ni Ginoong Hu Kaiyong, namamahalang tauhan sa naturang tahanan na,

"Dito sa amin, lahat ng gawain ay isinasagawa batay sa nagkakaisang plano. May tibig, natural gas, koryente, palikuran, silid para sa mga aktibidad ng pangkultura, himpilan ng pulisya at istasyong pangkalusugan. Normal ang pamumuhay ng mga mamamayan dito."

Upang maigarantiya ang mainam na kalagyang pangkalusgan ng mga apektadong mamamayan, isinasagawa naman ng mga tauhang medikal doon ang positibong hakbangin para mapigilan ang makatagong panganib na pangkalusugan. Sinabi ni Ginoong Yu Qiang, namamahalang tauhan ng istasyong pangkalusugan sa lugar-mapapanuluyan ng mga apektadong mamamayan na,

"Unang una, pinapalakas namin ang pagmomonitor sa posibleng maganap na epidemiya at isinagawa ang medical check-up sa lahat ng mga apektadong mamamayan. Ika-2, isinasagawa ang pagdi-disimpekta at pagsabog ng disinfectant sa kapaligiran. Ika-3, isinasagawa ang edukasyong pangkalusugan. Isinapubliko namin ang maraming materyal ng propaganda upang mapigilan ang mga salot."

Bukod sa mga espesyal na tauhang panaklolo, namimihagi ang mga boluntaryo mula sa Sichuan University ng mga pang-araw-araw ma gamit sa mga apektadong mamamayan. Sinabi ni Ginoong Yang Jingyu, isang boluntaryo na,

"Ang tungkulin namin ay paghahatid ng mga materyal, pagmamantine ng kaayusan sa sandali ng pagkain at paghahatid ng pagkain at materyal sa mga matatanda at bata. Bukod dito, tinutulungan din namin ang mga mag-aaral sa pag-aaral, paglilinis at pagsasagawa ng propaganda hinggil sa pagpigil sa epidemiya."

Nararamdaman ng mamamahayag na 2 linggo lamang pagkaraan ng lindol, naging masigla na ang atmospera doon.

Napag-alaman, ang naturang lugar na mapapanuluyan ay itinatag ng Wenjiang district ng Chengdu. Bukod dito, itinatag ng ilang distrikto at bayan na di-grabe ang epekto ng kalamidad ang malalaking lugar na mapapanuluyan ng mga apektadong mamamayan. Sa kasalukuyan, may 16 ganitong lugar sa Dujiangyan at ginamit ang halos 5800 tolda.

Unti-unting napapanumbalik ang pananalig ng mga apektadong mamamayan sa rekonstruksyon ng kani-kanilang tahanan. Ipinahayag sa mamamahayag ng ilang apektadong mamamayan na may kompiyansa silang muling itatag ang kanilang tahanan.

`